Thursday , October 6 2022

Naisahan na naman ni Mayweather ang kanyang mga fans

HAYAGAN na ang pambibilog ng ulo nitong si Floyd Mayweather Jr sa kanyang fans maging sa mundo ng boksing.

Kungdi ba naman, panay ang “deny” niya na namimili siya ng mga boksingerong makakaharap na inaakala niyang tatalunin niya.

Ikanga ng mga kritiko, eksperto at ilang nag-iisip na boxing fans na tuso talaga itong si Floyd dahil sa nagmumukha siyang magaling sa mata ng kanyang fans dahil nga sa ang pinipili niyang kalaban ay alam na alam niyang kakayanin niyang talunin.

Bakit hindi natin sasabihing tuso e, halata naman na namimili siya ng kalaban, tinatangkilik pa rin siya ng kanyang mga bulag na tagahanga.

Katulad ngayon.   May pautot pa itong si Floyd na kunwari ay may botohan siyang isinalang sa internet  kung sino ang gusto ng fans na makaharap niya.

Pero duda agad ang mga miron sa gimik ni Floyd dahil dalawang pangalan lang ang pagpipilian ng fans.  Wala ang pangalan ni Manny Pacquiao na alam naman ng lahat na siyang gustong ikasa sa tinaguriang “money” ng boksing.

Heto pa ang siste.   Pagkatapos ng “online voting” na nanalo si Amir Khan, naiba ang kurot ng talangka sa ulo ni Mayweather.   Isinantabi niya ang botohan at pinili si Marcos Maidana.

Ayon sa kanya, mas kredibol na kalaban si Maidana kesa kay Khan.

Nagtaasan agad ang kilay ng mga miron sa boksing dahil mukhang nasindak na naman itong si Floyd kay Khan na alam naman natin na may angking bilis na posibleng tumalo sa istilo niya.

Anyway, nariyan na iyan.   Wala nang magagawa ang fans ni Floyd maging mga “haters” niya kungdi panoorin ang laban nito.

Pero kuwidaw siya sa magiging laban nila ni Maidana.   May angkin naman itong lakas na posibleng gumiba sa kanya.

Ikanga ng mga matatandang boxing aficionados, pili siya nang pili pero matatapat din siya sa bungi.

Tama iyon.   May araw din na matsatsambahan siya na magpapatulog sa kanya.

At baka si Maidana na nga iyon.

0o0

Sumalang na sa sparring si Manny Pacquiao kontra kay American boxer Haskell Rhodes.  At ayon sa huli, impresibo ang paghaharap nila sa loob ng 4 rounds.

Nasa kondisyon  si Manny.

Good news iyon sa mga fans ng Pambansang Kamao.    Asam kasi ng lahat na makakabawi si Manny kay Timothy Bradley Jr. sa muli nilang paghaharap sa Abril.

Kailangang bumuwelta  si Pacquiao kay Bradley para mabura nang tuluyan ang masagwang pagkatalo ng una sa isang kontrobersiyal na laban.

Pero mukhang magiging mahirap iyon dahil handang-handa na ngayon si Bradley.  At isa pa, malayo na rin ang inakyat ng kalidad ng Kanong boksingero.

Alex Cruz

About hataw tabloid

Check Also

Floyd Mayweather AQ Prime 2

Floyd Mayweather walang balak mag-artista   

COOL JOE!ni Joe Barrameda LINGID sa kaalaman ng iba ay tahimik na dumating dito sa …

Floyd Mayweather AQ Prime

Docu ni Mayweather ilalabas sa AQ Prime; wala lang lovelife

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INILUSAD ng AQ Prime streaming platform bilang kanilang bagong mukha ang American …

Darwin Laylo

Para sa Biyernes
PEZA PUNONG ABALA SA RAPID CHESS TILT 

MANILA — Sa pakikipagtulungan ng JC Premiere Marikina Business Center ay magsisilbing punong abala ang …

Nicola Queen Diamante

Sa 1st Novice Swim Championship
6 MEDALYA HINAKOT NI DIAMANTE

NADOMINA ni Nicola Queen Diamante ang anim sa pitong event na nilahukan para tanghaling “most …

Al-Basher Basty Buto Chess

NM Buto naghari sa Angeles rapid chess festival

MANILA — Naitala ni National Master Al-Basher “Basty” Buto ng Cainta, Rizal ang importanteng panalo …

Leave a Reply