Inikot ni PINUNO Partylist lead supporter Senador Lito Lapid at first nominee Howard Guintu ang Caloccan City ngayong araw, 11 Marso 2022. Ipinahayag ni Lapid ang kanyang kasiyahan dahil sa mainit na suporta ng mga tao para sa partylist. Nakabisita rin ang PINUNO Partylist sa iba’t ibang mga relocation sites sa siyudad. (BONG SON)
Read More »Concubinage na isinampa ni Jelai Andres kay King Badger umakyat nasa korte
UMAKYAT na sa korte ang kasong concubinage na isinampa ng Kapuso actress na si Jelai Andres laban sa kanyang dating asawang si King Badger. Nagpiyansa si Jon Gutierrez alyas King Badger nang magtungo ito sa Quezon City Regional Trial Court noong nakaraang linggo para sa kasong Concubinage at Violence Against Women (And Children). Kinasuhan ni Jelai si King Badger last year dahil sa pakikiapid. Nagkaroon umano ng …
Read More »‘Plastik King’ malapit nang mabuking!
Unti-unti nang gumuguho ang kredibilidad at mahubaran ng maskarang puno ng pagkukunwari ang isang senatorial bet na tinaguriang ‘Plastik King’ o hari ng kaplastikan. Kilala umano itong si “Plastik King” na mahilig manglaglag at mang-iwan sa ere. Dagdag pa ng kampo nito na hindi lamang pala manglalaglag itong si plastic king kundi mahilig pa umanong ‘mamangka sa dalawang ilog.” Naglabas …
Read More »Inday Sara Duterte sa Golden Mosque
NOONG Sabado ng umaga, 5 Marso, sa pangunguna ng mga Muslim leaders, nagdaos ng malaking pagtitipon ang mga kapatid na Muslim mula sa iba’t ibang dako ng Maynila sa labas ng Quiapo Golden Mosque. Ipinahayag nila ang kanilang mainit na pagsuporta sa tambalang BBM at Mayor Inday Sara Duterte. (Photo credit: Cindy Aquino/Uly Aguilar)
Read More »#BoyingSinungaling trending sa social media posts ng mga artista
TRENDING sa sa social media, lalo na sa posts ng mga artista, ang #BoyingSinungaling nang magpatutsada si Cavite congressman Boying Remulla na naghakot ang kampo ni VP Leni Robredo para sa rally nito sa General Trias. Isa sa umalma ay ang Pinoy Big Brother host na si Bianca Gonzales na agad nag-post sa kanyang Twitteraccount. Anito, “Bakit hirap ang iba na maniwala na sasadyain ng libu-libong tao ang …
Read More »Robredo nalampasan na si Marcos sa Facebook Analytics ngayong Marso
NALAMPASAN na ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo si Ferdinand Marcos, Jr., ngayong buwan pagdating sa Facebook Analytics score, na sumusukat sa potensiyal ng mga tao na maging botante ng isang partikular na kandidato. Ayon sa data scientists na sina Wilson Chua at Roger Do, si Robredo ang nakakuha ng pinakamalaking pagtaas mula Pebrero hanggang Marso pagdating sa …
Read More »Pilipinas debates 2022 tuloy na
PORMAL nang nilagdaan ng Commission on Elections (Comelec) at Vote Pilipinas ang kasunduan para sa idaraos na PiliPinas Debates 2022 sa Sofitel Hotel, sa lungsod ng Pasay. Ang PiliPinas Debates 2022 ay isang serye ng debate sa telebisyon na inorganisa ng Commission on Elections (COMELEC), sa tulong ng non-partisan voter education organization na Vote Pilipinas, bilang paghahanda para sa 2022 …
Read More »Sen. Ping inspirasyon ng batang negosyanteng ‘pinulot sa kangkungan’
SINONG hindi bibilib sa 17-anyos na si Josh Mojica na bumasag sa kasabihan na “pupulutin ka sa kangkungan,” matapos niyang mapaunlad ang kanyang buhay at nakatulong sa iba dahil sa kangkong? Pero sa likod ng tagumpay ng binata, kinilala sa kanyang kangkong chips, ay ang kanyang idolo na labis niyang pinasasalamatan dahil sa tulong nito para tuluyang mabago ang takbo …
Read More »Negros Oriental binaha 2 patay, 1 nawawala
NATAGPUAN ang dalawang bangkay ng Ayungon Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) nitong Lunes, 7 Marso, matapos umapaw ang baha sa Brgy. Tibyawan, sa bayan ng Ayungon, lalawigan ng Negros Oriental, sanhi ng ulang dala ng low pressure area (LPA). Nakaranas ng malakas na pag-ulan sa nabanggit na lalawigan nitong Linggo, 6 Marso, kung saan lumaki ang tubig sa …
Read More »Kusug Tausug, nangampanya sa Pampanga at NCR Muslim area
DALAWANG magkasunod na araw ang ginawang pangangampanya ng Kusug Tausug party list sa mga lugar na tinitirhan ng mga Muslim sa Pampanga, gayundin sa mga imam at ilang lider Kristiyano sa Kamaynilaan. Pinuntahan ni Kusug Tausug first nominee Representative Shernee Tan-Tanbut ang komunidad ng mga Muslim sa barangay Sto. Niño at San Rafael sa Guagua, Pampanga at mga lider-Muslim sa …
Read More »
Ilang araw nang palutang-lutang sa dagat
2 MANGINGISDA NASAGIP SA ILOCOS SUR
NAILIGTAS ang dalawang mangingisdang namataang palutang-lutang sa karagatanng bahagi ng Brgy. Nalvo, sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Ilocos Sur, nitong Linggo ng umaga, 6 Marso. Nakita at nasagip ang dalawang mangingisda ng kapwa mga mangingisdang residente sa naturang barangay. Kuwento ng isa sa anim na mga mangingisdang sumagip, may nagwagayway ng damit sa kanilang direksiyon at nang kanilang …
Read More »
Sangkap sa paggawa ng IED nasamsam
MISIS NG ASG LIDER NASAKOTE SA JOLO
NADAKIP ng pulisya nitong Sabado ng gabi, 5 Marso, ang asawa ng isang hinihinalang lider ng Abu Sayyaf nang makuha ng mga awtoridad sa kanilang tirahan ang mga sangkap para sa pagbuo ng bomba, sa bayan ng Jolo, lalawigan ng Sulu. Kinilala ang suspek na si Nursita Mahalli Malud, pinaniniwalaang isang finance courier para sa teroristang grupo. Isinilbi ang search …
Read More »
Sa Cavite
NETIZENS UMALMA SA PATUTSADA NI REMULLA SA RALLY NI ROBREDO
TINAWAG na ‘sinungaling’ at ‘desperado’ ng ilang netizens si Congressman Boying Remulla matapos nitong akusahan na ‘bayad’ at ‘komunista’ ang mga dumalo sa campaign rally ni Vice President Leni Robredo sa Cavite. Sinabi ni Remulla, kilalang tagasuporta ni dating Senador Ferdinand “Bong Bong” Marcos, Jr., ‘hinakot’ at ‘binayaran’ ang halos 47,000 kataong dumalo sa “Grand Caviteño People’s Rally for Leni-Kiko” …
Read More »Walang illegal detention ng konsehal ng Quezon
TAHASANG sinabi ng isang criminal lawyer na walang ilegal sa naganap na detention sa isang konsehal ng Lopez, Quezon. Sa isang panayam sa DZXL ng batikang radio broadcaster na si Ely Saludar kay Atty. Merito Lovensky Fernandez ay sinabi nito na ang nangyaring pagkakakulong ni Lopez, Quezon Councilor Arkie Manuel Ortiz-Yulde sa Pangasinan ay isang legal na pangyayari at hindi …
Read More »CBCP hindi neutral, magnanakaw at sinungaling kondenahin
NANINDIGAN ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi neutral ang kanilang hanay sa mga usapin sa politika. Ayon kay Father Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP public affairs committee, kinokondena ng Simbahang Katolika ang mga magnanakaw at sinungaling. “In the battle against evil, injustice, lies, etc., the Church has always been brave in expressing her stand — …
Read More »24,000 plus katao nabiyayaan ng Pangkabuhayan QC program — Belmonte
MAHIGIT 24,000 residente ng Quezon City ang nabiyayaan ng Pangkabuhayang QC program, iniulat ni Mayor Joy Belmonte nitong weekend. “As of March 6, 2022, the total number of beneficiaries who have received assistance is 24,497,” ang pahayag ni Belmonte, at idinagdag na ang sinabing 4,828 bilang ay bibigyan ng financial assistance sa darating na 8-13 Marso. Paliwanag ni Belmonte, ang …
Read More »
Sa tangkang pagpatay
‘TRATONG MARITES’ NG PTFOMS VS TRIBUNE CORRESPONDENT, INALMAHAN NG NUJP
UMALMA ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa tila pagbabalewala ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa tangkang pamamaril sa isang Baguio-based correspondent at pagbansag na ‘Marites’ sa mga naalarma sa insidente. Nagpahayag ng pakikiisa ang NUJP sa Baguio-Benguet chapter, Baguio Correspondents and Broadcasters Club Inc., at Kordilyera Media-Citizen Council sa panawagan ng masusing imbestigasyon …
Read More »Ping ganado sa kampanya ramdam malakas na suporta
KOMPIYANSA si Partido Reporma standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson na maipapanalo niya ang kanyang kandidatura sa pagkapangulo dahil sa positibong pagtanggap na kanyang nakukuha sa mga tagasuporta at sa publiko na nakaririnig at nakauunawa ng kanyang mga mungkahing polisiya para masugpo ang katiwalian at mas maiangat ang serbisyo ng mabuting pamahalaan. Sinabi ni Lacson, ipagpapatuloy nila ng running mate na …
Read More »Scouts Royale Brotherhood, sumusuporta sa plataporma ng Marcos-Duterte UniTeam
NAGKAISA ang National at International Officers ng Scouts Royale Brotherhood International Service Fraternity and Sorority, Inc. (SRB) na suportahan sina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at vice presidential aspirant Mayor Sara Duterte sa halalan sa Mayo. Sa Manifesto na iprenesinta ni SRB Chairman Emmanuel Sipin kay House of Representatives Majority Floor Leader Martin Romualdez na kumatawan sa UniTeam, nakasaad …
Read More »
Robi Domingo sa mga Botante:
HUWAG MAGPAPABUDOL
PAGKATAPOS ni Angelica Panganiban, ang aktor na si Robi Domingo naman ang nagpayo sa mga botante na pumili ng tamang kandidato at huwag magpaloko sa mga mambubudol. Nakipag-partner si Domingo sa Young Public Servants, isang grupo ng kabataan na nagsusulong ng good governance, sa paggawa ng video, tampok ang isang game show na may pamagat na “All or Nothing.” Sa …
Read More »Pitmaster Foundation, suportado VIP program ni Digong
NAGPAHAYAG ng buong suporta ang Pitmaster Foundation para sa pagpapasa ng charter ng Virology Institute of the Philippines (VIP), isang priority project na nabanggit sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. “We fully support the passage of the charter of the Virology Institute of the Philippines. The VIP will help address biological threats to the …
Read More »
SM Supermalls and PHILHAIR launch National Beauty Caravan
Invites shoppers, PH hairdressers, and makeup artists to join the beauty and wellness event
FUN and beautiful days ahead await mallgoers as beauty and wellness take over in 18 SM malls! Starting February 28, shoppers and beauty and wellness enthusiasts are in for a treat as SM Supermalls and the Philippine Hairdressers Association launch the National Beauty Caravan which will run until April 2022. “We are excited to announce the launch of our beauty …
Read More »Ombudsman cases vs Rep. Jayjay Suarez biglang naglaho?
“NO pending criminal and administrative cases.” Iyan ang ipingangalandakan ni Quezon Province 2nd District representative David “Jayjay” Suarez sa ipinatawag na press conference sa House of Representatives nitong 21 Pebrero 2022, kung saan ipinagyayabang ang isang clearance certificate mula umano sa Office of the Ombudsman. Batay sa dokumento, walang nakabinbing kaso, kriminal o administratibo, ang nasabing kongresista batay umano sa …
Read More »MONSOUR DEL ROSARIO SA BATANGAS.
Kahapon, 2 Marso, umikot sa bayan ng Taal, San Luis, Lemery, at Balayan sa Batangas si dating Makati congressman at kasalukuyang kandidato para senador Monsour Del Rosario. Dinalaw ni Del Rosario ang palengke ng Cuenca, Batangas upang kumustahin ang mga negosyante at mamimili roon. Layon ni Del Rosario na matugunan ang mga pangangailangan ng magsasaka, mangingisda, atbp., sa Batangas at …
Read More »“Bayanihan sa Bakunahan sa Las Piñas” inilunsad
INILUNSAD ng Las Piñas City government ang “Bayanihan sa Bakunahan sa Las Piñas” upang siguruhing makatatanggap ang lahat ng kanilang mamamayan ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (CoVid-19). Sinabi ni Mayor Imelda Aguilar, layunin ng “Bayanihan sa Bakunahan sa Las Piñas” program na mas ilapit sa mga residente ang mga serbisyong pangkalusugan ng lungsod partikular ang pagbabakuna kontra CoVid-19 …
Read More »