Sunday , December 29 2024

hataw tabloid

P3.8-M shabu nasabat sa Dumaguete

NASABAT ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang P3.8 milyon halaga ng shabu, mula sa isang hinihinalang drug courier sa Dumaguete, Negros Oriental, nitong Sabado. Kinilala ni Novemar Pinanonang, hepe ng PDEA-Negros Oriental team na nagsagawa ng operasyon, ang suspek na si Genaro Amorin Jr. Si Amorin ay naaresto sa Colon extension street sa Brgy. Taclobo, makaraan …

Read More »

Bagong PNP anti-drug unit ilulunsad

pnp police

KINOMPIRMA ni PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa, bi-nuo nila ang bagong anti-drug unit ng pambansang pulisya, pinangalangang PNP-Drug Enforcement Group (P-DEG). Ang P-DEG ang papalit sa PNP Anti-Illegal Drugs Group (AIDG), nbinuwag kasunod nang kontrobersiya lalo na sa naging partisipasyon ng ilang mga tauhan nito sa pagpatay sa Koreanong negosyanteng si Jee Ick Joo. Ayon kay PNP Chief PDGen. …

Read More »

Killer ni Ozu timbog

arrest prison

Killer ni Ozu timbog ARESTADO ng mga pulis sa Quezon City, ang suspek sa pagpatay kay Marcelo “Ozu” Ong, miyembro ng Masculados, kahapon. Batay sa sa report ng Quezon City Police District (QCPD), nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa presensiya ng suspek na si Kristopher Ernie, sa kanyang bahay sa North Fairview Subdivision. Dahil armado at mapanganib ang suspek kaya’t …

Read More »

Demolition job vs Mighty Corp pinalagan

NAKAHANDA ang Mighty Corporation na buksan ang lahat ng kanilang warehouse at makiisa sa isasagawang imbestigasyon ng Bureau of Customs upang patunayang hindi sila sangkot sa pagbebenta ng pekeng sigarilyo. Ayon kay Oscar Barrientos, executive vice president at tagapagsa-lita ng kompanya, hindi nila kailangan magsagawa ng mga bagay na ikasisira nila sapagkat maraming tapat na consumer nila ang patuloy na …

Read More »

Droga sa banta ng Maute group vs Gen. Bato (Balik war on drugs ng PNP mas madugo)

KOMBINSIDO si Philippine National Police Director General Ronald dela Rosa, may kinalaman sa droga ang panibagong banta ng Maute group sa kanyang buhay. Naniniwala si Dela Rosa, droga at posibleng drug money ang nag-ud-yok sa Maute group, na pagtangkaan ang kanyang buhay habang nasa Mindanao State University noong Enero. “Bakit? Ano ang personal na galit nila sa akin, except for …

Read More »

Epektibo ang ‘Tokhang’

pnp police

LUMALABAS na inutil ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na ipinauubaya na niya sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatuloy ng kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot. Sinabi ni Duterte na simula nang ihinto ng PNP ang Oplan Tokhang nitong 30 Enero, muling naging aktibo ang operasyon ng ilegal na droga …

Read More »

4-anyos sinilaban ng ama (Matapos sabuyan ng gasolina)

woman fire burn

KALIBO, Aklan – Pinaniniwalaang dahil sa kalasingan kaya nagawa ng isang ama na saboyan ng gasolina, at silaban ang 4-anyos anak sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Bulabud, Malinao, Aklan, kamakalawa. Inoobserbahan sa Intensive Care Unit (ICU) ng Aklan Provincial Hospital, ang biktimang si Kent Luis Zausa, residente ng naturang lugar, nagkaroon ng mga paso sa braso, paa, at …

Read More »

P.5-M shabu kompiskado sa kanang kamay ng drug lord

ILOILO CITY – Muling sinalakay ng mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang bahay ng itinuturing na right hand ng sinasabing Western Visayas drug lord, na si Melvin Odicta. Umaabot sa mahigit P.5 milyon halaga ng shabu ang nakompiska sa bahay ni Rolando Torpio, sa South San Jose, Molo, sa Lungsod ng Iloilo, P10,000 halaga ng cash, at …

Read More »

Lolong may P1.5-M gumala sa EDSA

NAIBALIK na sa kanyang kaanak ang isang 91-anyos lolo, natagpuang naglalakad habang may dalang P1.5 milyon sa EDSA, Mandaluyong City nitong Lunes. Ayon sa police report, nakita ng nagrorondang mga pulis at opisyal na Brgy. Barangka Ilaya, na pinagka-kaguluhan ng ilang tao ang lolo sa EDSA bandang 5:30 pm. Nang lapitan, nakita nilang may dalang mga salaping piso at dolyar …

Read More »

CEB flights sa Surigao suspendido (Bunsod ng lindol)

ITINIGIL muna ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang operasyon sa Surigao Airport sa Surigao City, bunsod nang pinsala sa runway, dulot ng 6.7 magnitude earthquake na tumama sa lugar. Ang suspensiyon ay epektibo nitong 11 Pebrero hanggang 10 Marso 2017. Bunsod nito, ang Cebu Pacific flights patungo at mula Surigao ay suspendido mula 11 Pebrero 2017. Ang …

Read More »

Sibakan blues

MAKULIT kaya sinibak! Ito ang nangyari sa apat na senador na kabilang sa Liberal Party (LP) na tuluyang sinibak sa kani-kanilang puwesto sa Senado nitong nakaraang Lunes ng mayorya ng Senado na pinamumunuan ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III. Ang LP senators na sinibak ay sina Sen. Risa Hontiveros, Sen. Bam Aquino, Sen. Kiko Pangilinan at Sen. Franklin Drilon.  …

Read More »

Acoustic sa “Live Jamming with Percy Lapid”

NAGPAMALAS ng kakaibang husay at galing ang acoustic guitarist na si Aya Fernando at ang singer na si Anne Onal sa nakaraang “Live Jamming with Percy Lapid” kamakalawa ng gabi na napapa-kinggan tuwing Linggo ng gabi, 11:00 pm – 2:00 am, sa Radio DZRJ-810 Khz., na sabayang napapanood via live streaming sa You Tube at Facebook sa website na 8trimedia.com., …

Read More »

PNP chief atat nang bumalik sa war on drugs

ronald bato dela rosa pnp

AMINADO si PNP chief, Director General Ronald dela Rosa, gusto na nilang bumalik sa giyera laban sa ilegal na droga. Sinabi ni Dela Rosa, habang tumatagal na wala sila sa “war on drugs” ay mas lumalala ang problema. Aniya, sa katunayan nang mag-ikot siya sa Kali-nga at Zamboanga City, lahat nang nakausap niyang lokal na opisyal, mula barangay captain hanggang …

Read More »

TRO hirit ni De Lima sa SC (Aresto Kinuwestiyon)

NAGHAIN ang kampo ni Sen. Leila de Lima sa Supreme Court (SC) ng status quo ante order, kumukwestiyon sa legalidad ng pag-aresto at pagdetine sa senadora nitong Biyernes. Pormal na naghain ng petisyon ang kampo ng senadora, sa pangunguna nina Atty. Alex Padilla at Atty. Philip Sawali, kahapon. Sa 82-pahinang petition for certiorari, hiniling ng mga abogado ng senadora, na …

Read More »

LP senators ‘pinatalsik’ sa rigodon (Drilon inalis bilang Senate Pro-Tempore)

NAGULAT ang ilang senador nang biglaang ipinatupad ang reorganisasyon, at tinanggal ang mahahalagang chairmanship sa mga miyembro ng Liberal Party (LP). Pangunahin sa ti-nanggal bilang Senate Pro-Tempore si Sen. Frank Drilon, matapos maghain ng mosyon ni Sen. Manny Pacquiao, kilalang ma-lapit na alyado ng admi-nistrasyon. Agad tumayo si Drilon at hindi nagpaha-yag ng pagsalungat, saka nag-second the motion. Ang iba …

Read More »

Awit ng barkada kay Jim Paredes

MUKHANG may mabigat na pinagdaraanang problema ang singer na si Jim Paredes. Kahit wala namang ginagawa sa kanya ang grupong Duterte Youth na tahimik na ipinagdiriwang ang ika-31 anibersaryo ng EDSA Revolution, nilusob niya ang hanay nito, at galit na galit na tinalakan ang mga pobreng kabataan. Dala ang isang streamer, ang mga kabataan ay pinagsisigawan at dinuro-duro ni Jim, …

Read More »

Susi ng tagumpay: Federalismo sa matatag, maunlad na PH

LIBO-LIBONG mamamayan kasama ang iba’t ibang organisasyon ang nagsama-sama sa ginawang “peaceful and meaningful gathering” nitong nakaraang Sabado sa Quirino Grandstand sa Luneta bilang pagsuporta sa kampanya ng administrasyong Duterte laban sa krimen at korupsiyon at pagsu-sulong ng federalismo sa bansa. Nanguna sa nasabing ‘historic event’ ang bagong tatag na Youth Power Against Destabilization (YPAD) na nagtipon-tipon ang mahigit 5,000 …

Read More »

Walang pasok sa elementary at high school (Sa transport strike)

SINUSPINDE ng Palasyo ang klase sa elementarya at high school sa lahat ng apektadong lugar sa buong bansa dahil sa ilulunsad na welga ng jeepney drivers ngayon. “Suspension of classes tomorrow in all affected areas nationwide in elementary and high school levels (private and public) due to transport strike,” anang mensahe ni Executive Secretary Salvador Medialdea, na ipinamahagi sa Palace …

Read More »

Jeepney drivers welga bukas (Kontra phaseout)

NAKATAKDANG magwelga bukas, Lunes, ang mga jeepney driver sa Metro Manila, at sa ilang lalawigan bilang protesta sa nakaambang phaseout sa kanilang mga sasakyan. Ang welga na isasagawa sa 27 Pebrero ay naglalayong igiit sa pamahalaan na huwag ituloy ang planong phaseout sa lumang jeepney, at sa ipatutupad na P7 milyon minimum capital para sa jeepney operators, at 10 minimum …

Read More »

Madrigal, Alonte itinuro ni Aguirre sa P100-M bribery try

IBINUNYAG ni Sec. Vitaliano Aguirre II, si dating Sen. Jamby Madrigal ang nag-alok ng P100 mil-yon suhol sa mga high profile inmate, para baliktarin ang kanilang mga testimonya laban kay Sen. Leila de Lima hinggil sa pagkakasangkot sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP). Kasama rin aniya si incumbent Rep. Len-len Alonte ng Laguna, sa mga nagtangkang suhulan …

Read More »

5 high-profile convicts dinala sa NBI

NBI

LIMANG high profile convicts na nakapiit sa Camp Aguinaldo, ang dinala sa National Bureau of Investigation nitong Huwebers ng gabi, kasu-nod ng mga ulat na sila ay inalok ng P100 milyon para baliktarin ang kanilang salaysay laban kay Senator Leila de Lima, kaugnay sa illegal drug trade sa New Bilibid Pri-son. Kabilang sa dinala sa NBI ay sina Herbert Colanggo, …

Read More »

Leila, PNoy nagkausap (Bago maaresto)

NAGKAUSAP sina da-ting Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at Senator Leila de Lima kahapon ng umaga. Ayon kay dating Usec. Renato Marfil, ang dating pangulo ang tumawag sa senadora u-pang magtanong ng ilang legal points sa kasong kinakaharap. Tinanong aniya ni Noynoy kung may sasamang mga abogado kay De Lima, bagay na sina-got ng senadora na mayroon. Kung maaalala, sina …

Read More »

De Lima mananatiling senador — Koko

MANANATILING senador si Sen. Leila de Lima, kahit nakakulong na siya sa PNP Custodial Center. Ayon kay Senate President Koko Pimentel, gagampanan ni De Lima ang kanyang mga responsibilidad, habang nasa labas ng Senado. Dagdag niya, maaari pa rin makapagpasa ng bills si De Lima habang nasa detention facility. Hindi aniya puwedeng sabihin ni Pimentel, na huwag arestohin ang senadora …

Read More »