BUNSOD ng mga positibong development sa mga potensiyal na bakuna para labanan ang coronavirus disease 2019 (CoVid-19), binigyang-diin ni Senador Christopher “Bong” Go ang pangangailangan ng mahusay na plano, komunikasyon at implementasyon ng national vaccination program upang magarantiyahan ang pagkakaroon ng pantay-pantay na access at sistematikong probisyon sa sandaling available na ang ligtas at epektibong bakuna para sa mga mamamayan. …
Read More »Airport police official nasa drug list ni Duterte — PDEA
KINOMPIRMA ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na isang Airport police official ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang nasa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa liham ni PDEA Intelligence and Investigation Service (IIS) Director Edgar Jubay kay MIAA Assistant General Manager (AGM) retired B/Gen. Romeo Labador, kinompirma ng una na isang airport police official, kinilalang si alyas Jong …
Read More »Estudyante natagpuang patay sa Quezon (Naghahanap ng signal para sa online class)
WALA nang buhay, walang damit, at may mga saksak sa katawan nang matagpuan ang isang Grade 7 student sa bayan ng San Narciso, sa lalawigan ng Quezon, na sinasabing nagpaalam maghanap ng signal para sa cellphone para sa kaniyang online class, nitong Biyernes, 20 Nobyembre. Ayon sa lolo ng biktima, nagpaalam sa kaniya ang biktimang kinilalang si Vee Anne Banico, …
Read More »Vice mayor inireklamo sa ‘online game show’
INIREKLAMO ang bise alkalde ng San Pascual, Batangas sa Office of the Ombudsman, Department of Interior and Local Government, at sa Civil Service Commission, dahil sa sinabing paglabag sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, dahil sa ginawang “online game show” habang nasa oras ng trabaho. Sa tatlong-pahinang reklamo na ipinadala …
Read More »2 Aeta mula Zambales unang ‘casualty’ ng Anti-Terror Law
NAITALA ang unang kaso sa ilalim ng Republic Act 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020 laban sa dalawang katutubong Aeta mula sa lalawigan ng Zambales dahil sa hinalang sangkot sila sa barilang nauwi sa kamatayan ng isang sundalo noong Agosto ng taong kasalukuyan. Ayon sa manipestasyon ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL), kinatawan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na …
Read More »P620-M to P15-B infra budget ng solons ipaliwanag — Sen. Lacson
PINAGPAPALIWANAG ni Senator Panfilo Lacson ang House Leadership sa inaprobahan nitong infrastructure projects sa congressional districts na nakapaloob sa P4.5 trilyong national budget na nasa P620 milyon hanggang P15 bilyon ang alokasyong nakita sa bawat kongresista. Sa deliberasyon ng Senado sa panukalang P659 bilyong budget para sa Department of Public Works and Highway (DPWH), sinabi ni Lacson na halos kabuuan …
Read More »Globe announces “People’s Champ” Manny Pacquiao as newest Brand Ambassador
Manila, Philippines November 17, 2020: Globe announced that it has partnered with twelve-time, eight-division world champion, Manny Pacquiao, as its brand ambassador. The partnership is in line with the telco’s position to stay closer to its customers who are reeling from the impact of the pandemic and the current economic downturn. “Manny is the epitome of a true global Filipino, …
Read More »Massive flood sa Cagayan at Isabela isinisi sa black sand mining
SINISI ng isang peasant group ang talamak na black sand mining, isa sa dahilan ng dinanas na “worst flood” sa Cagayan at Isabela sa pananalasa ng bagyong Ulysses. Ayon sa grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) bukod sa black sand mining, talamak din ang illegal at legal logging sa lalawigan kaya hindi na nakapagtataka na ngayon ay nararanasan ang epekto …
Read More »DTI and SM urge Filipinos to Buy Local, Support Local this Christmas
In this season of giving, what better way to share but by gifting locally made products by micro, small and medium enterprises (MSMEs), whether sweet treats, artisanal products, apparel, home decorations, or other keepsakes. By doing this, we not only keep our heritage alive while promoting local craftsmanship and delicacies, through our support for local goods, we also help businesses …
Read More »Realignment ng 2021 budget target ni Ping (Pondo para sa LGUs na tinamaan ng bagyo)
DETERMINADO ni Senator Panfilo Lacson na tanggalan ng pondo sa 2021 proposed national budget na inaprobahan ng House of Representatives ang mga tinukoy nitong corrupt-ridden at skeleton multi-purpose building projects at ilipat ang budget para pondohan ang rehabilitasyon ng local government units (LGUs) na nahagupit ng bagyong Ulysses. Ayon kay Lacson, may P68 bilyong alokasyon ang natukoy na kuwestiyonableng proyekto …
Read More »House ‘probe’ inismol (Pagpapasara sa mining operations iginiit)
MINALIIT ng grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang imbestigasyong gagawin ng House of Representatives sa nangyaring massive flooding sa Cagayan at Isabela. Tinawag itong isang band-aid solution na walang kahihinatnan dahil tanging ang pagpapakawala ng tubig ng mga dam ang sakop ng gagawing imbestigasyon at hindi kasama ang pag-iimbestiga sa ilegal at legal na logging at illegal mining operations. …
Read More »Magnitude 6 lindol yumanig sa Surigao del Sur
INUGA ng magnitude 6 lindol ang bayan ng San Agustin, lalawigan ng Surigao Del Sur nitong Lunes ng umaga, 16 Nobyembre. Naunang iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na magnitude 6.4 ang tumama sa naturang bayan ngunit kalaunan ay nirebisa sa magnitude 6. Ayon sa Phivolcs, tectonic ang lindol na tumama 11 kilometro sa hilagang kanlurang bahagi …
Read More »21-anyos senior high patay sa hazing (Sa Zamboanga)
HINIHINALANG namatay ang isang 21-anyos estudyante ng senior high school sa lungsod ng Zamboanga, dahil sa initiation rites ng isang fraternity noong Linggo, 15 Nobyembre. Kinilala ang biktimang si Joselito Enviado, residente sa Sarangani Drive, Barangay San Jose Guzu, sa naturang lungsod, at Grade 12 student ng Zamboanga City National High School West. Idineklarang dead on arrival si Enviado sa …
Read More »10-anyos bata, 6 minero patay sa baha sa Quirino
BINAWIAN ng buhay ang pito katao, kabilang ang isang 10-anyos bata, dahil sa matinding pagbaha sa lalawigan ng Quirino dulot ng pananalasa ng bagyong Ulysses. Sa Laging Handa Public Briefing nitong Lunes, 16 Nobyembre, sinabi ni Quirino Governor Dakila Carlo Cua, kabilang sa mga namatay ang isang 10-anyos batang nalunod, at anim na empleyado ng isang minahan sa boundary ng …
Read More »Pacquiao kontra Lopez sa 2021
USAP-USAPAN sa social media at mga boxing websites na target sumampa sa 140 pounds ang bagong superstar ng boksing na si lightweight champion Teofimo Lopez para hamunin si boxing legend Manny Pacquiao sa susunod na taon. Galing si Lopez sa impresibong panalo sa dating pound-for-pound king na si Vasyl Lomachenko via unanimous decision nung nakaraang buwan para mging unified champion …
Read More »Daigneault itinalagang head coach ng OKC Thunder
OKLAHOMA CITY (AP) — Ipinuwesto si assistant coach Mark Daigneault bilang bagong head coach ng Oklahoma City Thunder nung Miyerkules, pinalitan niya si Billy Donovan na ngayon ay head coach na ng Chicago Bulls. Si Daigneault ay dating tinimon ang Thunder’s G League team sa loob ng limang taon. Meron siyang .572 winning percentage, nanalo ng tatlong division titles at …
Read More »Khabib may mensahe sa mga kababayan
GINAMIT ni FC lightweight Khabib Nurmagomedov ang social medial para ibahagi ang ‘positive message’ sa kanyang kababayan at fans tungkol sa ‘road safety.’ Ang tinaguriang ‘The Eagle’ ay hindi maikakaila na isa nang ganap na superstar para sa mga fans ng mixed martial arts. Hindi rin maitatatwa na ang buong Russia ay nasa kanyang likuran. At sa kasalukuyan ay naging …
Read More »Tyson nasindak kay Holyfield
PAGKARAANG maglaho sa ‘limelight’ ng boksing sina Iron Mike Tyson at Evander Holyfield, maraming beses na inalok ang una na magkaroon ng ‘trilogy’ ang bakbakan nila ng huli. Tumanggi si Tyson sa alok ng kampo ni Holyfield na magkaroon ng ikatlong paghaharap ang kanilang karibalan. Nagretiro ang dalawang kampeon na hindi nangyari ang ikatlong paghaharap, at dahil dun ay inakusahan …
Read More »Team sports magbebenipisyo rin sa Bayanihan 2
ANG national athletes sa team sports ay nakatakdang tumanggap ng nalalabing 50% ng kanilang June at July allowances at magpapatuloy na tatanggap ng kanilang full allowance hanggang sa Disyembre. Kasama ang kabuuan ng Team Philippines ay tatanggap din ng ‘special amelioration package’ na bigay ng gobyerno. Ang magbebenipisyo dito ay ang 199 atleta at 39 coaches na kasali sa teams …
Read More »Tatay ni Ice, pumanaw na
PUMANAW na kahapon ng tanghali, Nobyembre 15 ang daddy ni Ice Seguerra, si G. Dick Seguerra sa sakit na kanser. Noong Marso lang isinapubliko ng mang-aawit ang sakit ng ama na dumaan sa radiation dahil sa prostate cancer. Caption ng larawang ipinost ni Ice sa kanyang IG account, “Our family is saddened to announce the passing of our beloved, Decoroso “Dick” Seguerra. Umakyat na siya sa heaven …
Read More »Tuguegarao Mayor binatikos (Birthday getaway sa gitna ng bagyong Ulysses)
NAKATANGGAP ng maraming batikos sa social media si Mayor Jefferson Soriano ng lungsod ng Tuguegarao, lalawigan ng Cagayan, matapos matuklasan ng mga netizen na wala siya sa lungsod at nagdiwang ng kaniyang kaarawan kasama ang kaniyang pamilya sa gitna ng pananalasa ng bagyong Ulysses. Ibinahagi (share) ng maraming Filipino social media users ang ngayon ay binura nang larawan sa Instagram …
Read More »Memorable at tagumpay na hosting ng Filipinas sa SEA Games pinuri
PINURI ng mga opisyal ng Sporting Committee mula sa iba’t ibang kalahok na bansa sa Southeast Asia (SEA) ang Filipinas dahil sa matagumpay na pag-oorganisa nito ng 30th SEA Games noong 2019, lalo ang mga itinayong state-of-the-art na pasilidad, ang propesyonalismo at magiliw na pagtanggap ng mga Filipino sa mga bisitang dumalo at mga kalahok sa nasabing palaro. Sa isang …
Read More »Biktima ng bagyo at baha may ayuda — Sen. Bong Go
TINIYAK ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go na lahat ng asset ng gobyerno ay nakakalat o naka-mobilize para magresponde sa mga apektado ng bagyo at pagbaha upang magbigay ng tulong at saklolo. Kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sen. Go na bumisita sa Cagayan para tingnan ang pinsala ng baha at para matukoy ang mga pangangailangan ng mga residente. Ang …
Read More »Kamara pinuna sa ‘di patas na alokasyon sa 2021 budget (Infra projects sa congressional districts)
PINUNA ni Senator Panfilo Lacson ang “disparity” o unfair na hatian ng alokasyon sa mga infrastructure budget ng mga kongresista na tinukoy niyang bilyon- bilyong piso ang inilaan sa isang distrito sa Davao, sa Benguet, Albay, at Abra habang sa ibang distrito ay ilang milyon lamang. Ayon kay Lacson, “This is just to point out the disparity in the distribution …
Read More »Kredibilidad ng military sinisira ni Velasco (Sa pagtatanggol sa red-tagging vs Makabayan Bloc)
ITINURING ng isang batikang abogado na panghihimasok at pangmamaliit sa kakayahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ginawa ni House Speaker Lord Allan Velasco nang tahasan nitong ipagtanggol ang Makabayan Bloc ng Kamara sa naging akusasyon ni AFP Southern Luzon Command chief, Gen. Antonio Parlade na ang mga progressive solons ay may kaugnayan sa Communist Party of the …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com