Monday , September 26 2022

Tyson nasindak kay Holyfield  

PAGKARAANG maglaho  sa ‘limelight’ ng boksing sina Iron Mike Tyson at Evander Holyfield, maraming beses na inalok ang una na magkaroon ng ‘trilogy’ ang bakbakan nila ng huli. 

Tumanggi  si Tyson sa alok ng kampo ni Holyfield na magkaroon ng ikatlong paghaharap ang kanilang karibalan.

Nagretiro ang dalawang kampeon na hindi nangyari ang ikatlong paghaharap, at dahil dun ay inakusahan ng mga kritiko na naduwag si Iron Mike sa hamon.

Matatandaan na dalawang beses na tinalo ni Holyfield si Iron Mike at sa ikalawang pagkakataon na nagharap sila sa ring ay naging kontrobersiyal iyon dahil sa kaagahan  ng laban ay kinagat ni Tyson ang taynga ni Holyfield na naging sanhi ng pagkatapyas nun.

Ngayong nagbabalik si Tyson, 54,  sa isang exhibition match laban kay Roy Jones, 51, inaasahan na muling mabubuhay sa diwa ng mga nagmamahal sa boksing ang gilas at lakas ng una.   Pero mananariwa rin ang naudlot na karibalan nila ni Holyfield.

Sa nasabing pagbabalik ni Tyson, imbes na balikan si Holyfield para makaresbak sa nakakahiyang pagkatalo ng dalawang beses kay Holyfield, ay si Jones ang napili niya bilang kasayaw sa ring sa kanyang comeback fight.

Ayon sa TMZ’s sources, “It’s not even about the money at this point, I think Tyson is scared.

“We’ve offered multiple times and Tyson vs. Holyfield is the fight that should happen.”

Unang tinalo ni Holyfield si Tyson nung 1996 sa 11th round na kinukunsidera na isang malaking upset.

Ang rematch nila ay nangyari ilang taon ang nakaraan at dito nangyari ang tinaguriang ‘Bite Fight” na kung saan ay kinagat nga ni Tyson ang taynga ni Holyfield sa round three ng laban para madiskuwalipika.

Sa nakalipas na mga taon ay naging magkaibigan ang dalawa.  At sa ilang pagkakataon ay binibiro ni Holyfield na magkaroon sila ng trilogy online.

May pagkakataon pa na nag-post siya ng picture na sinusuntok niya si Tyson at may caption na:  “Who would like to see Holyfield vs Tyson 3?”

May kasagutan si Mike sa kumakalat na espekulasyon tungkol sa isa pang laban nila ng kanyang ‘great rival’ sa isang panayam ni Jim Gray.

Sabi ni Tyson:  “That’s always something that we can do if the people want it, if it’s pragmatic enough, I’d love to do it.”

About hataw tabloid

Check Also

Al-Basher Basty Buto Chess

NM Buto naghari sa Angeles rapid chess festival

MANILA — Naitala ni National Master Al-Basher “Basty” Buto ng Cainta, Rizal ang importanteng panalo …

Philracom Horse Race

Paborito si Mommy Caring

MARKADO sina Mommy Caring at Cam From Behind sa magaganap na 2022 PHILRACOM “Sampaguita Stakes …

Rubilen Amit Carlo Biado Johann Chua

Amit, Biado, Chua namayagpag
PH TRIO KAMPEON SA WORLD TEAMS 10-BALL

ni Marlon Bernardino MANILA — Itinanghal na kampeon ang Filipino trio na sina Rubilen Amit, …

Rubilen “Bingkay” Amit

Sa Austria
AMIT, CENTENO NAGPARAMDAM AGAD NG LAKAS 

MANILA, Philippines – Nagparamdam agad ng lakas sina Billiard stars Rubilen Amit at Chezka Centeno …

Rhaki Roj Constantino

Dan Kang kalahok sa Mappa KnightShot 10-Ball Cup

ANG pool player at motorcycle enthusiast na si Dan Kang ay lilipad mula South Korea …

Leave a Reply