Sunday , December 29 2024

hataw tabloid

VP Leni nanawagan ng agarang solusyon sa krisis sa tubig

QUEZON PROVINCE – Nanawagan si Vice President Leni Robredo na matugunan sa lalong madaling panahon ang problema tungkol sa supply ng tubig sa Metro Manila, lalo sa gitna ng mga tanong tungkol sa pagpapatakbo at pagpa­patayo ng mga dam na pinagkukuhaan ng tubig. Sa kaniyang pagbisita sa bayan ng Infanta, na balak pagtayuan ng Kaliwa Dam, idiniin ni Robredo ang …

Read More »

Bingbong muling inilampaso ni Joy (Sa Quezon City)

QC quezon city

MULING nailampaso ni mayoralty bet QC Vice Mayor Joy Belmon­te ang mga magiging ka­tung­gali na sina QC First District Rep. Vincent Crisologo at Ismael “Chuck” Mathay Jr., sa pagka-mayor ng lungsod. Ito ay makaraang makakuha si Belmonte ng 75 percent votes na malaking lamang kay Crisologo na nakakuha lamang ng 24 percent votes habang si Mathay ay one  percent. Ang survey ay kuma­katawan …

Read More »

Senador Bam, top choice ng religious groups

SI Senador Bam Aqui­no ang pinakaunang kan­di­datong gustong ma­ka­balik sa senado ng People’s Choice Move­ment (PCM) ma­ta­pos busisiin ng iba’t ibang religious group ang karakter, kakaya­han at mga nagawa ng mga kumakandidato para sa nalalapit na eleksiyon. Ang PCM na kina­bibilangan ng mga religious group tulad ng Catholic, Evangelical at Protestant ay nagsa­gawa ng isang con­vention sa pangunguna ng mahi­git …

Read More »

Libreng ‘house to house’ health care (Target ng Ang Probinsyano Party-list)

HOUSE to house delivery ng libreng health care sa pintuan ng bawat pamilyang Filipino ang target ng Ang Probinsyano Party-List sa oras na maupo sa House of Representatives. “Ang kalusugan at kapakanan ng ordinar­yong pamilyang Pinoy ang aming prayoridad,” sabi ni Ang Probinsyano Party-List (AP-PL) nominee at health advo­cate na si Edward delos Santos. Hangad niya sa lalong madaling panahon, …

Read More »

El Niño kontrolin — Manicad

heat stroke hot temp

NANAWAGAN ang broad­cast journalist at kandidato para sa Senado na si Jiggy Manicad sa pamahalaan na radikal na aksiyon ang kailangan upang ikontrol ang epekto ng El Niño sa suplay ng tubig lalo para sa sektor ng agrikultura. Ayon kay Manicad, maaaring mawalan ng bilyon-bilyong piso ang sektor ng agrikultura kung hindi magpapatupad ng agarang aksiyon upang pahupain ang pinsalang …

Read More »

Death penalty vs heinous crime

dead prison

KARUMAL-DUMAL ang pagpaslang sa 16-anyos dalagita sa Barangay Mactan,  Lapu-Lapu City sa Cebu. Nakahubad ang salawal, at tinalupan ang ulo at mukha kaya halos hindi na siya makilala. Inakala yata ng mga buhong na maaangkin nila ang magandang mukha ng biktima habambuhay. Nakagagalit ang pagpapainom ng isang ama ng muriatic acid sa kanyang 4-anyos anak na lalaki na ikinasawi ng …

Read More »

Krisis sa tubig, dapat solusyonan — Grace Poe

HINIMOK ni Senadora Grace Poe ang gobyerno na maging proactive sa pagtugon sa mga umiiral na problema at pagkukulang ng bansa pagdating sa water supply system. Bilang isang agricultural country, sinabi ni Poe na dapat tinatamasa ng gobyerno ang Right to Water and Sanitation ng bawat indibiduwal partikular ang mga magsasakang naninirahan sa mga probinsiyang pinagkaitan ng water supply gayong …

Read More »

Big time party drugs supplier utas sa buy bust

PATAY ang isang ‘negosyante’ na sinabing big time supplier ng party drugs nang mauwi sa palitan ng putok ang ikinasang buy bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Regional Drug Enforcement Unit ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa isang condominium building sa Sta. Cruz, Maynila, nitong Martes nang madaling araw. Nakuha ang mahigit …

Read More »

157 sakay ng Ethiopian Airlines patay sa plane crash (Patungong Nairobi)

PATAY ang 157 pasahero at crew na sakay ng Ethiopian Airlines flight patungong Nairobi nang bumagsak ilang sandali matapos suma­himpapawid nitong umaga ng Linggo sa Ethiopia. Ayon sa Ethiopia Broad­casting Corporation, mula sa 33 nasyonalidad ang bumubuo sa 157 pasahero ng EA flight. Samantala, hindi pa malinaw ang dahilan ng pagbagsak ng bagong Boeing 737-8 MAX plane na kasalukuyang iniimbesti­gahan. …

Read More »

Yul Servo, nagpapatayo ng dagdag na gusali sa 2 paaralan

SINIMULAN na ang pagpapatayo ng dalawang gusali ng Mabini Elementary School na may 4-storey-28 classroom building, at ng 4 storey-12 classroom building para naman sa Juan Sumulong Elementary School ngayong Marso, matapos isagawa ang matagumpay na groundbreaking ceremony at unveiling na pinangunahan ni Congressman Yul Servo Nieto. Bahagi ito ng Local Infrastructure Program ng gobyerno sa dalawang paaralan ng ikatlong distrito ng Maynila. Kasamang dumating sa pasinaya …

Read More »

Quarry/stl operator itinumba sa lamayan (Driver ng alkalde ng Infanta, 3 kaanak patay rin, 2 senior citizen sugatan)

PATAY ang driver ng Infanta mayor na kilalang operator ng quarry at small town lottery (STL) sa nasabing lalawigan nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa isang lamayan sa nasabing lalawigan nitong Miyerkoles nang gabi. Hindi rin nakaligtas sa kamatayan ang kanyang tatlong kaanak, kabilang ang dalawang septuagenarian nang sunod-sunod na nagpa­putok ang suspek para tiyakin ang kamatayan ng …

Read More »

Pekeng pampaganda at pampaputing produkto, kinompiska ng FDA

KINOMPISKA ng mga tauhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga pekeng pampa­ganda at pampaputing produkto makaraang magkasunod na sala­kayin ang dalawang esta­blishment sa Antipolo City at Matina, Davao City kamakailan. Ayon kay FDA Dir. General Nela Charade Puno, unang sinalakay ng kanyang mga tauhan ang dalawang sangay ng Misumi Direct Sales sa No. 25 Maya Ave. Okinari Bldg., …

Read More »

Brian Poe, nagpasalamat sa suporta ng FPJPM sa ina

NAGPASALAMAT si Brian Poe Llamanzares sa grupong Filipinos for Peace, Justice and Progress Movement (FPJPM) sa walang sawang suporta sa kanilang pamilya matapos iendoso ang kandidatura ng kanyang inang si Senadora Grace Poe na laging topnotcher sa mga survey. Inendoso ng FPJPM, dating kilala bilang Fernando Poe Jr. for President Movement, ang reelection bid ni Poe kasama ang anim na …

Read More »

Hybrid seeds, modernong makinarya para sa mga magsasaka — Mar Roxas

NANAWAGAN si former Trade and Industry secretary Mar Roxas sa Department of Agricul­ture (DA) na pagkalooban ng hybrid seeds at modernong kagamitan ang mga magsasaka upang mapataas ang kanilang ani. Sa kanyang paglilibot sa iba’t ibang lalawigan, sinabi ni Roxas na ang karaniwang ani ng mga magsasaka ay tatlo hanggang apat na tonelada lamang gayong puwede naman itong pataasin pa. …

Read More »

VP Leni tiwala sa taongbayan: Kakayahan ‘di pera basehan sa halalan

LAGUNA — Hindi man kilala ang mga kandi­dato ng oposisyon, tiwala si Vice President Leni Robredo na bibig­yan sila ng pagkakataon ng taongbayan sa dara­ting na eleksiyon, dahil napatunayan na silang matitino at mahuhusay. Dumalaw si VP Leni sa iba’t ibang bahagi ng Laguna nitong Miyer­koles (6 Marso), upang maipakilala sa mga kinatawan ng iba’t ibang sektor ang mga kandi­dato …

Read More »

Sa robbery extortion… EDP Director, Pasay COP, 44 pulis sibak

INALIS sa puwesto ni National Capital Regional  Office (NCRPO) chief Police Major General Guillermo Eleazar ang buong puwersa ng Pasay City Police Drug Enforcement Unit (PCP, DDEU) at Eastern Police District (EPD) kabilang ang kanilang director at hepe matapos mahuli ang ilan sa kanilang miyembro sa pangongotong nang maaresto sa magkahiwalay na entrapment operations nitong Martes. Sa utos ni Philippine National Police (PNP) chief Police General …

Read More »

Jobs bubuhos sa ‘unli’ towers (Towercos duopoly plan ipinaaabandona ng Solons sa Duterte advisers)

SINABI kahapon ng Department of Infor­mation and Communi­cations Technology (DICT) na aabot sa 10 milyon  hanggang 25 mil­yon trabaho ang lilikhain ng malayang merkado para sa telco tower builders. “The rationalization of the telcos and the cell site builders and operators will accrue to the benefits of millions of subscribers in particular, and the Filipinos in general,” wika ni acting DICT …

Read More »

Laborer patay, kapatas sugatan sa P.1-M holdap sa Naga City

gun shot

PATAY ang isang isang construction worker sa­man­tala sugatan ang kapa­tas nang holdapin sa kanila ang P.1 milyong pangsahod sa Naga, Camarines Sur. Kinilala ang namatay na si Aldrin Pida, 32, tubong Tigaon, Camarines Sur ha­bang sugatan si Gelito Cano­og, 57, foreman, ng Cebu City. Sa panayam kay P/Maj. Joey Curre, hepe ng Naga City Police Station 4, sinabi nitong sakay …

Read More »

Motorsiklo bilang public transportation, lusot na sa komite sa Senado

Grace Poe

INAPROBAHAN na ng Senate committee on public services ang panukalang magpapahintulot sa paggamit ng mga motorsiklo bilang pampasaherong sasakyan tulad ng  Angkas. Hiwalay na inakda ang Senate Bill Nos. 2173 at 2180 at Senate Resolution 993 nina Senadora Grace Poe, Senate President Pro-Tempore Ralph Recto at Sen. JV Ejercito at nakalusot na bilang alternatibong public transportation sa ikala­wang public hearing …

Read More »

Magna carta for SMEs ‘salbabida’ ng maliliit na negosyante — Mar Roxas

ANG batas na ginawa ni dating senador Mar Roxas ukol sa Magna Carta for Small-Medium Enterprises ang sumagip sa maraming maliliit na negosyante nang kanyang ipatupad noong siya ay Trade and Industry secretary. Sa multi-sectoral forum sa unang araw ng Marso sa Calamba, Laguna, inulan ng tanong ang dating senador na si Roxas kung paano makapagsisimula ng nego­syo ang mga …

Read More »

Dahil sa tagtuyot… 5 bayan isinailalim sa state of calamity

heat stroke hot temp

IDINEKLARANG nasa state of calamity ang limang bayan sa Cotabato dahil sa matinding tagtuyot na nararanasan sa Mindanao. Ayon kay Engineer Arnulfo Villaruz, warning and action officer ng Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), at sa pagsubaybay ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), napabilang ang Rehiyon 12 sa “low amount of rainfall” at halos …

Read More »

Pag-aangkat ng nakalalasong kemikal, ipinagbabawal ng dalawang batas

MAHIGPIT na ipinagbabawal ang pag-aangkat ng mga nakalalasong kemikal gaya ng chemical fertilizers at pesticides sa ilalim ng Republic ACT 6969 na pinirmahang maging batas ni dating Pangulong Corazon Aquino noong 1990. Pinagtibay ito ng Republic Act 10068 o Agricultural Organic Act na naging batas sa ilalim ng administrasyon ni Gloria Macapagal-Arroyo na ngayon ay kinatawan ng pangalawang distrito ng …

Read More »

Manicad: Bagong dugo kailangan sa Senado

NANAWAGAN ang broad­cast journalist at kandidato para sa Senado na si Jiggy Manicad na kailangan ng bagong dugo sa Senado upang magpatupad ng mga makabagong ideya at malikhaing solusyong tutu­gon sa mga problema ng bansa. Si Manicad, isang batikang mamamahayag na ngayon lamang sumabak sa politika, ay partikular na nag­susulong ng agarang repor­ma sa sektor ng agrikultura at sa mga …

Read More »

Dredging at iba pang civil works sa Ilog Pasig, iniatas ni PRRD sa PRRC

INILINAW ni Pasig River Rehabilitation Com­mission (PRRC) Executive Director Jose Antonio E. Goitia, sa ilalim ng Administrative Order No. 16 ni Pangulong Rodrigo Duterte na lumikha sa Manila Bay Task Force ay naging mandato ng PRRC ang dredging, pag-aalis ng mga estruktura at paglilinis sa Ilog Pasig. “Maraming nagpapanggap na kanila ang dredging ng Pasig River pero malinaw sa AO …

Read More »

Chinese workers huwag hayaang dumami sa PH — Grace Poe

Grace Poe

MULING nagpahayag si Senadora Grace Poe ng labis na pagkabahala sa pagdami ng hindi dokumen­tadong Chinese na nagtatra­baho sa Filipinas dahil tila mawawalan ng trabaho ang mga Filipino. Giit ni Poe, hindi dapat pumasok ng bansa ang mga nasabing dayuhan sa pagkukunwari bilang turista ngunit magtatrabaho naman pala. Aniya, dapat mas ma­ging mahigpit ang Depart­ment of Labor and Employ­ment (DOLE) …

Read More »