Sunday , January 12 2025

Ampatuan lawyers kumalas sa kaso (Delaying tactic?)

PERSONAL na matatanggap ng mga akusado sa Maguindanao massacre case ang ano mang court decision, orders, resolutions at iba pang direktiba makaraan magbitiw ang mga miyembro ng kanilang defense counsel.

Kabilang sa mga naghain ng kani-kanilang notice of withdrawals ay sina Atty. Sigfrid Fortun ng Fortun, Narvasa, Salazar Law Firm; Atty. Andres Manuel ng Manuel Law Office; at Atty. Paris Real, Atty. Emmanuel Brotarlo at Atty. Sherwin Real ng Real, Brotarlo at Real Law Office.

Ayon sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 221, mismong ang mga akusado ang padadalhan nila ng mga notice sa Camp Bagong Diwa, habang wala pa silang bagong set ng abogado.

Para sa korte, obligado ang panig ng depensa na resolbahin ang sarili nilang suliranin.

Ang pagkalas ng tatlong law firms ay inaasahang makaaapekto sa pag-usad ng kaso para sa 24 akusado.

Kabilang sa walang abogado ngayon ay sina Andal Ampatuan Sr., Andal Ampatuan Jr., Sajid Islam Ampatuan, Anwar Ampatuan, Akmad Ampatuan Sr., Anwar Ampatuan Jr., Sajid Anwar Ampatuan, Mohades Ampatuan at Misuari Ampatuan.

Hinala ng private prosecutors at kampo ng mga biktima, bahagi iyon ng delaying tactics, lalo’t nabatid na noon pang Hunyo ginawa ang withdrawal notice.

AMPATUANS BIBIGYAN NG ABOGADO — PALASYO

INIHAYAG ng Palasyo na bibigyan ng gobyerno ng abogado mula sa Public Attorney’s Office (PAO) ang mga Ampatuan para maipagtanggol ang kanilang mga sarili sa Maguindanao massacre case.

Ito ang sinabi kahapon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte makaraan umatras bilang mga abogado ng mga Ampatuan sina Sigfrid Fortun, Andres Manuel at Paris Real.

Aniya, umaasa ang Malacanang na ang pag-alis ng naturang mga abogado ay hindi sinadya para maantala ang paglilitis sa kaso.

“We certainly hope this withdrawal of the accused’s lawyers is not intended to delay the trial. In any case, the DoJ panel of prosecutors are on guard against dilatory tactics. After a certain period of time, under the Rules of Procedure, if a lawyer is not retained by the accused, he or she will have to be defended by a public attorney,” ani Valte.

Nauna rito, inakusahan ng private prosecutors ang government prosecutors, sa pangunguna ni Justice Undersecretary Francisco Baraan, nang pagtanggap ng multi-milyong suhol mula sa mga Ampatuan para pahinain ang kaso laban sa mga akusado.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

BingoPlus International Series Philippines FEAT

The International Series adds Philippines with BingoPlus to its growing global footprint as part of exciting 2025 schedule

London, United Kingdom, 08 January 2025: The International Series breaks new ground in 2025 with …

Garahe nasunog BUS NATUPOK MEKANIKO SUGATAN

Garahe nasunog
7 BUS NATUPOK MEKANIKO SUGATAN

HATAW News Team PITONG BUS ang natupok habang sugatan ang isang mekaniko nang sumiklab ang …

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

ALINSUNOD sa atas ni National Bureau of Investigation (NBI) Director (ret) Judge Jaime B. Santiago …

SM Foundation PRC FEAT

SM Foundation, PRC Qc Chapter join hands to establish clinical laboratory

PRC QC Chapter Gov. Ernesto S. Isla, SMFI Executive Director for Health & Medical Programs …

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *