Nadine Lustre Christophe Bariou

Netizens kinilig sa post ni Nadine kasama ang BF 

MATABIL
ni John Fontanilla

MARAMING netizens ang kinilig sa ipinost na litrato ni Nadine Lustre sa kanyang Instagram account ng kanyang guwapo at very supportive na boyfriend na si Christophe Bariou kamakailan.

Post ni Nadine sa kanyang IG, “i just want to start a flame in your heart.”

Super sweet nga ang mga ito sa mga nasabing litrato na nagdulot ng saya, ngiti, at kilig sa mga supporter ng award winning actress. Ilan sa naging komento ng netizens ang sumusunod:

“Love this couple” 

“Happy Nadine”

“Love You Queen”

“Love you both”