Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, deadma sa mga bumibira sa paggamit ng presidential chopper (Dahil sa wisdom of keeping quiet…)

00 fact sheet reggeeHUMINGI na ng saklolo si Kris Aquino sa mga taga-Hagonoy, Bulacan noong Huwebes na roon ginanap ang sortie ng Liberal Party.

Binibira si Kris sa social media dahil sa paggamit niya ng presidential chopper noong Martes, Abril 19 sa isang sortie sa Argao, Cebu.

Kaagad namang ipinagtanggol si Kris ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr. na ipinadala niya sa pamamagitan ng text message sa press corp, ”members of the President’s immediate family are allowed to ride with him in official government vehicles.”

At ayon pa sa report, hindi naman daw sa Argao, Cebu kuha ang mga litrato kundi sa inauguration ng 59-megawatt Solar Power Plant sa Negros Occidental sa San Carlos Ecozone, sa Barangay Punao dahil isinama si Kris ng kanyang kuyang presidente.

Samantala, kinamusta naman namin si Kris at sinagot kami ng, ”hello from Pampanga-going to Bulacan later,” noong Huwebes ng hapon.

At sa report ng Bandila noong Huwebes ng gabi ay humingi na ng tulong si Kris sa mga taga-Hagonoy, Bulacan.

Sabi ng Queen of All Media, ”binubugbog po ako sa social media, sinasabi mapang-abuso raw ang pamilyang Aquino, makapal daw ang mukha namin dahil ginagamit ko raw ang presidential chopper para mangampanya. Puwede bang ipagtanggol niyo ako?

“Ang mga guard na kasama ko, naloka na lang nang sinabi ko maglakad na tayo, dahil nakaHIhiyang paghintayin ang Hagonoy.

“Narinig ko si Leni Robredo ay nagsalita na. Sabi ko, ‘Hindi puwedeng paghintayin ko kayo.’

“Kaya po ako hinihingal, tatlong kilometro po ang nilakad ko.

“Pero ginawa ko ‘yan dahil ang pamilyang Aquino, one hundred percent ang suporta kay Mar Roxas.”

Sa report naman ng GMA 7 news ay ipinagtanggol din ni PNoy ang kapatid.

”Alam naman niyo, noong pagdating ng Martial Law, sino ba ang inasahan namin? Basically ‘yung nanay ko, kaming magkakapatid, okay.

“Itong pagtahak namin na pagkatagal-tagal…Kris was (only) one-year-old when Martial Law was proclaimed.

“So, dumating siya, nagkamalay siya kung kailan dapang-dapa kami bilang isang pamilya.

“Gusto ko namang ipakita sa kanya, ‘Tingnan mo ang resulta na talagang nagiging makabuluhan at may saysay itong demokrasyang ipinaglaban ng mga magulang natin.

“Siguro batid naman ng lahat na isa siya sa pinakamalaking individual taxpayer, okay.

“Ugali ko rin na kunwari mayroong…di ba, kapag kausap natin ang mga negosyante, ang turo natin, ‘May ginawa kayong ganito, may potensiyal na ganyan.’

“Kung kailangang isakay ko sila roon sa helicopter, isakay ko para minsanan ma-dialogue, makita ‘yung vision.

“Whether as an individual taxpayer or somebody who was very close to me, who shared all of the burdens, I think it’s just but proper na i-share naman the successes, share kami sa hirap, share ko na rin iyong success.”

Sa kabilang banda, nangako naman si Kris na deadma na siya sa mga ibibira pa sa kanya ngayon dahil natutuhan na raw niya ang wisdom of keeping quiet.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …