Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ako po ang tinuturuan ni Coco, I learned so much things from him — Arjo (Sa isyung mas magaling na siya kay Coco…)

00 fact sheet reggeeSOBRANG overwhelmed si Arjo Atayde sa launching ng mga bagong ambassador ng AXE Black kasama sina DJ Nix Damn at fashion blogger na si David Guison na ginanap sa Shooting Gallery, Makati City noong Huwebes ng gabi.

Hindi naman nagkamali ang AXE Black sa pagpili sa aktor cum athlete dahil kung ibabase sa kasikatan ay hindi naman pahuhuli si Arjo sa dalawang kasamahan lalo’t gabi-gabing napapanood ang aktor sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyanobilang si Joaquin at kung guwapo ang pag-uusapan ay mas lalong hindi madadaig ang binata.

Ang ganda ng AXE Black booth ni Arjo na ang kapatid niyang si Ria Atayde ang nakaisip ng concept na naglalaman ng mga tropeong napanalunan ng aktor bilang football player at ang mga paborito nitong gamit sa gitna ng field na kinabibilangan ng mga sapatos, uniporme, baseball cap at iba pa.

Sa pamamagitan ng social media malalaman kung sino ang maingay sa tatlong nabanggit para maging opisyal na AXE Black endorser at malalaman ito sa Agosto 26.

Speaking of Ang Probinsyano, kinunan ng reaksiyon ang aktor dahil maraming pumupuri sa kanya bilang Joaquin lalo na sa eksenang nagmamakaawa siya kay Albert Martinez bilang amang si Tomas na huwag patayin ang asawang si Carmen (Bela Padilla). Nabanggit pa na muntik matabunan ni Joaquin si Coco Martin bilang Cardo.

“Ay hindi po, ako po ang tinuturuan ni Coco, I learned so much things from him and bago kami magka-eksena, it’s either nagtatawanan kami or we’re gonna do dynamics, like he said, ‘Arjo ganito, dapat ayusin natin ‘tong eksenang ito, angat-baba.’  I considered him as one of my mentors for this show, so I think that’s the opinion of people, but for me, I still look up to him as a mentor. Sobrang husay talagang magturo,” paglilinaw ni Arjo.

Dagdag pa, ”he’s (Coco) been longer than me. He’s way-way sikat than me. For me, I’m just working of what I have right now. So far so good I’m enjoying now, he’s (Coco) teaching me, as I said, I considered him as my mentor. Obviously, he has such a creative mind na nakatutulong sa akin ng sobra-sobra.”

As of now ay walang girlfriend si Arjo dahil wala siyang panahong manligaw dahil araw-araw ang taping niya ng Ang Probinsyano.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …