Sunday , December 22 2024

Sapat na suplay ng koryente tiyakin (Utos ng Palasyo sa DoE)

INATASAN ng Palasyo ang Department of Energy (DoE) na tiyaking may sapat na suplay ng koryente sa bansa lalo na sa mismong araw ng eleksyon sa Mayo 9.

Ginawa ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. ang pahayag makaraan ideklara ng National Grid Corporation of the Phils (NGCP) sa red alert status ang suplay ng koryente sa Luzon, Visayas at Mindanao dahil sa preventive o emergency maintenance sa ilang power plants.

Sinabi ni Coloma, patuloy ang hakbangin ng DoE para matiyak na magkakaroon nang sapat power supply sa buong bansa.

Sa kasalukuyan, nakikipagpulong si Energy Secretary Zeny Monsada sa lahat ng stakeholders para maglatag ng mga paraan upang matiyak ang sapat na suplay ng koryente sa araw ng halalan.

Base sa report ng NGCP, nakataas sa red alert ang Luzon simula 1 p.m. hanggang 3 p.m.; Visayas mula 7 p.m. hanggang 9 p.m. at sa Mindanao 2 a.m. hanggang 10 a.m.

Samantala, nag-abiso ang Meralco na magkakaroon ng rotating brownouts sa Novaliches, Caloocan City, Quezon City gayondin sa Cavite, Laguna, Quezon province at Rizal.

Kinompirma rin ng Zambales Electric Cooperative na brownout ang Castillejos, San Marcelino, Subic, Cabangan, San Antonio, San Felipe at San Narciso.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *