AFTER 20 years sa showbiz ay ngayon lang naging bida si Dominic Ochoa bilang si Super D na mapapanood na sa Lunes, Abril 18 bago mag-TV Patrol.
Pero hindi ito big deal kay Dominic bagkus ay nagpasalamat pa siya, ”I’m so blessed sa ibinibigay nilang (ABS-CBN) trabaho sa akin.”
Sabagay, aanhin mo ang maging bida kung iilang beses ka lang mabigyan ng proyekto kung ikukompara mo sa supporting roles na kaliwa’t kanan naman ang projects.
Kuwento nga ng aktor, ”Ako, I always like na ‘yung ginagawa kong work may aral na ipamamahagi sa mga manonood.
“Everyone’s saying to me nga, ‘Dom, ang tagal mo. We’re happy na ito na ‘yung big break mo.’
“Alam mo, never na pumasok sa utak ko na itong ‘My Super D’, ako ang bida rito.
“Para lang isa itong role na ibinigay sa akin, it’s not about the things that are given to you. It’s your responsibility, whether it’s small or big, it’s a responsibility given to you.
“Whether magampaman ko siya o hindi, gagawin ko parati ang lahat ng hundred to hundred-fifty percent na makakayanan ko. It’s a big responsibility!
“Puwede tayong maging kontrabida, puwede tayong bida, puwedeng extra.
“Kahit ano, hindi naman tayo namimili, pasalamat pa rin sa Diyos. Siya naman ang nagbibigay ng mga ito.
“Sa amin, hindi rin naman kami naghahangad ng sobra-sobra. Sometimes kasi when you ask for something more, you become greedy. Ang importante, maging happy lang tayo sa buhay natin,” paliwanag ni Super D.
Kaya ang payo ni Dom sa mga bagong artista, ”’yung sa akin, let’s just be professional with work.
“If this is your call time, come on time, be professional. Minsan you have to speak out, too, you can’t just shut up.
“Pero you can say it in a nice way para hindi ka maka-offend ng ibang tao.
“Kasi sila rin ang makakatrabaho mo in the future, sila rin ang makikita mo, hindi mo maiiwasan, eh.
“Mayroon tayong makakasamaan ng loob, mayroon tayong masasabi.
“Pero sometimes we have to keep it to ourselves, wala namang kapupuntahan. Unless very close sila na puwede mong sabihin sa kanila.
“Ako, hindi naman ako plastic na tao, I’ll tell them straight kung ano ang gusto kong sabihin.”
At pagdating naman sa itinalagang 14 hours na lang ang oras ng trabaho sa tapings at shootings ng DOLE ay suportado ito ni Dominic.
“Sana maipatupad ‘yun, sana ma-implement. Hindi lang naman ‘yun para sa aming mga artista.
“There’s also production side na need ito, mag-cost-cutting. Pero siyempre, hindi natin napapansin ‘yung kalagayan ng kalusugan, napapabayaan.
“Ang akin, hindi naman natin puwedeng sisihin ang trabaho sa nangyayari sa buhay natin.
“In a way, ‘yung maliliit na bagay, like puyat mo. ‘Pag puyat ka, you get hungry. When you’re hungry, you get to eat more.
“At the end of the day, when you eat something not good, na bawal, may epekto sa katawan mo ‘yun,” paliwanag pa ng aktor.
FACT SHEET – Reggee Bonoan