Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

7-anyos patay, baby at ina kritikal sa sunog sa Parañaque

MASUSING iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog na ikinamatay ng 7-anyos bata at ikinasugat ng isang sanggol at kanilang ina sa Brgy. Tamaraw Court, Parañaque City dakong hatinggabi kamakalawa.

Naisugod pa ang biktimang si Onyx Garcia sa ospital ngunit agad din siyang idineklarang patay makaraan tangkaing i-revive nang tatlong beses.

Habang nalapnos ang balat sa mukha ng tatlong buwan gulang na kapatid ng biktima na si Chloe, nilalapatan ng lunas sa isang ospital sa Parañaque.

Samantala, isinugod sa San Juan de Dios Educational Foundation Incorporated Hospital sa Pasay ang ina ng mga bata na si Cindy na hanggang sa ngayon ay nasa kritikal na kondisyon.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, posibleng problema sa electrical wirings ang sanhi ng sunog na umabot lamang sa unang alarma.

Aabot sa P100,000 ang naitalang pinsala ng sunog na nagsimula sa kusina ng bahay sa unang palapag.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …