Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kampo Balagtas nag-alab

DUMAGSA ang mga panauhin sa Pagdiriwang ng Araw ni Balagtas simula noong Biyernes, 1 Abril 2016 sa Orion Bataan.

Lumahok sa okasyon ang mga estudyanteng manunulat mula sa iba’t ibang paaralang pansekundarya.

Ito ay pagdiriwang ng ika-228 anibersaryo ng kaarawan ng bayaning makata na si Francisco “Balagtas” Baltazar, ang pagdiriwang ay may temang  “Si Balagtas at ang Manlilikhang Filipino.”

Pinangunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang mga gawain na ginanap sa bayan ng Orion (noon ay Udyong), Bataan.

Isinagawa ang Kampo ni Balagtas mula 1-3 Abril 2016 para sa mga kabataang manunulat mulang Gitnang Luzon, NCR, Rehiyon 8, at 9 sa Orion Elementary School.

Layon nitong higit pang mapahusay ang kanilang kasanayan sa pagsulat pamamagitan ng pagbibigay ng mga lektura at palihan sa pagsulat ng tula at kuwento.

Sa mensahe ni Tagapangulong Almario, sinabi niya na “simula ngayong taon, nais naming ilagay sa kasaysayan na ang Kampo Balagtas ay isang pagtitipon ng mga kabataang manunulat sa hay-iskul, may workshop at seminar para sa pagsulat, at inaalay natin kay Balagtas. Nais din naming isulong ang deklarasyon kay Balagtas bilang bayani dahil wala tayong bayaning manunulat at cultural worker…Kapag pinag-aralan ang kasaysayan ng panitikan sa loob ng 300 taong pananakop ng Espanyol, nagsulong ng isang himagsik pampanitikan ang Florante at Laura ni Balagtas.”

Sa ikalawang araw, kinilala ang mga nagwagi sa Talaang Ginto na sina Levine Andro H. Lao (Ikatlong Gantimpala), Adelma L. Salvador (Ikalawang Gantimpala) at ang itinanghal na Makata ng Taon 2016 na si Mark Anthony S. Angeles.

Tinanggap ni Jose F. Lacaba ang Dangal ni Balagtas 2016 para sa kaniyang mahahalagang kontribusyon sa larangan ng panitikang.

Naganap sa ikalawang araw ang pagbubukas ng Aklatang Balagtas sa Barangay Wawa, Orion, Bataan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …