Sunday , December 22 2024

Vice Mayor ng Jones, Isabela todas sa NPA (Bumili ng boto, nagdala ng armas)

CAUAYAN CITY Isabela – Tuluyan nang pinatay ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) si Vice Mayor Ronaldo Lucas makaraan harangin ang kanyang convoy sa Dicamay 2, Jones, Isabela kamakalawa.

Kinompirma mismo ni Chief Insp. Noel Pattalitan, hepe ng Jones Police Station, ang pagkamatay ni Lucas.

Aniya, sakay si Lucas ng kanyang 4×4 truck at may convoy na dalawang dump truck at iba pang sasakyan nang biglang lumitaw ang mga rebelde at sila ay hinarang saka pinigil nang ilang oras.

Makaraan maisagawa ang inspeksyon sa lahat ng mga sasakyan ay pinaalis na ang iba ngunit ipinaiwan ang bise alkalde, gayondin ang kanyang security at si Sangguniang Bayan member Suzette Lucas.

Ibinunyag ni Pattalitan, hindi humingi nang security sa pulisya ang grupo ni Lucas sa kanilang pagtungo sa Dicamay 2, Jones, na kilalang pinamumugaran ng mga rebelde.

Inamin ng isang nagpakilalang Ka MJ, sinasabing tumatayong media liason officer ng tinaguriang Benito Tesoro Command ng NPA, pinarusahan nila ng kamatayan ang vice mayor dahil sa  paglabag sa kanilang regulasyon.

Kahit daw kasi may permit to campaign ang pangkat ni Vice Mayor Lucas, lumabag sila sa regulasyon ng mga rebelde na bawal ang pagdadala ng mga armas at pagbili ng mga boto.

Si Lucas ay first councilor ng Jones, Isabela, at naluklok na bise alkalde makaraan mapatay sa loob mismo ng session hall ng Sangguniang Bayan noong Abril 2015 si Vice Mayor Florante Raspado.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *