SA ginanap na presscon ng Unlucky Plaza ay nakausap namin si Epy Quizon tungkol sa nalalapit na pag-aasawa ng dating live-in partner ng daddy niyang si Mang Dolphy na si Ms Zsa Zsa Padilla sa boyfriend nitong si Conrad Onglao ngayong taon.
Napakunot ang noo ni Epy dahil para sa kanya ay wala siyang kinalaman dito,”My father is with God right now, she (Zsa Zsa) can be with where she wants to be. Marrying whoever she wants. Really, I’m living with my own life now, I have nothing to do with what she wants to do with her life. If she’s happier that way then I’ll be happy for her.”
Sa tanong kung dadalo ba si Epy sa kasal halimbawang imbitahan siya ng dati niyang madrasta? ”Well, why not. If I’m free, why not,” mabilis na sagot ng aktor.
Tinanong naming kung nagpaalam o nagsabi si Zsa Zsa sa mga anak ni Mang Dolphy na mag-aasawa na siya.
“Well not really, and she doesn’t have to na magpaalam, unang-una hindi naman sila kasal ng tatay ko,” katwiran ni Epy.
Hirit namin bilang naging kapamilya rin ng Quizon dati si Zsa Zsa, ”well I’m pretty sure baka sila ni Eric (Quizon), mas madalas silang mag-usap. Ako kasi honestly, she can do whatever she wants in her life. She wants to get married then go for it. I’ll be happy for her,” diin pa ng bida ng pelikulang Unlucky Plaza na idinirehe ng Singaporean director na si Ken Kwek.
Nabanggit din ni Epy na ni minsan ay hindi naman nila napag-usapang magkakapatid ang tungkol sa nalalapit na kasal ni Zsa Zsa, ”honestly it doesn’t affect me,” hirit pa ng aktor.
Samantala, ang Unlucky Plaza ay kuwento ng isang Pinoy na OFW na nakapag-asawa ng Singaporean at nagkaroon ng anak at may maliit na kainan sa Lucky Plaza na tinatambayan ng mga OFW tuwing araw ng Linggo o day-off nila.
Ginagampanan ni Epy ang papel ni Onassis Hernandez na inabot ng malas nang magkaroon ng food poisoning scandal sa Lucky Plaza dahil wala ng gaanong kumakain sa nasabing mall at dito na bumagsak ang negosyo na naging dahilan kaya hindi siya nakabayad ng renta ng bahay.
Isa pang kamalasang dinanas ni Epy (Onassis) ay nang mabiktima siya ng financial scam kaya nawala na siya sa sarili dahil sa rami ng problema at dito na siya nang-hostage ng ilang tao.
Kuwento ni Epy, gustong-gusto niya ang pagkakasulat ng Unlucky Plaza kaya niya tinanggap ang proyekto dahil iba ito sa mga role na nagampanan na niya at tunay na nangyari ito.
Ang bansang Singapore ang sinasabing safest country in the world pero maraming hindi alam ang tao kung ano ang tunay na nangyayari dahil kinokontrol daw ng gobyerno ang media.
Kuwento nga ni Epy, ”actually, true story of events. You know Singapore is a safe place, right? And there are events of scamming and riots and protests that mostly people don’t know because the government controlled the media.”
Ang Unlucky Plaza ay nakapukaw ng atensiyon mula simula hanggang wakas saToronto International Film Festival.
Napuri rin ang pelikula ng isang Hollywood Reporter at sinabing, ‘for tackling myriad linguistic moral and cultural transgressions previously unseen in Singapore cinema’.
Nabanggit din ng director na si Kwek na nagkaroon sila ng screening para sa mga Pinoy OFW na talagang full pack ang sinehan.
Naipalabas na rin ang Unlucky Plaza sa Warsaw Film Festival na nakakuha ng nominasyon para sa Grand Prix at Kolkata International Film Festival na nakakuha ulit ng nominasyon para sa NETPAC (Network for the Promotion of Asina Cinema) award.
Mapapanood naman sa Pilipinas ang Unlucky Plaza sa Abril 20 under Viva Films.
FACT SHEET – Reggee Bonoan