Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 patay, 1 sugatan sa kapwa parak (Sa loob ng police station)

VIGAN CITY – Dalawa ang patay at isa ang sugatan makaraan silang barilin ng kapwa pulis habang kumakain sa loob mismo ng police station sa Poblacion Sigay, Ilocos Sur kamakalawa.

Kinilala ang mga namatay na sina SPO2 Leborio Dangalen at NUP member Mark Jay Barrientes, habang sugatan si SPO2 Gilbertt Rabang.

Natukoy ang suspek na si PO1 Roel Parragas, miyembro ng PNP-Sigay.

Sa imbestigasyon, kumakain sina SPO2 Gilbertt Rabang, Mark Jay Barrientes, PO1 Leo Aoay at SPO2 Leborio Dangalen nang pumasok ang suspek at walang habas na pinagbabaril ang kanyang mga kasama.

Suwerteng hindi tinamaan si PO1 Leo Aoay dahil nagtago sa ilalim ng mesa.

Limang minuto rin nagtagal ang pamamaril at natigil lamang nang agawin ni Rabang ang baril ng suspek na 9mm Glock-17.

Naitakbo pa ang mga sugatan sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival sina Dangalen at Barrientos.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …