NAGING back-up singer pala ni Sarah Geronimo sa Record-Breaker concert niya noong 2009 na ginanap sa Araneta Coliseum si Nadine Lustre na kasama sa grupong Pop Girls na binuo ng Viva Artist Agency noong kasagsagan ng Korean group.
Ang mga kasama ni Nadine sa Pop Girls ay sina Shy Carlos, Rosalie Van Ginkel, Lailah, at Mariam Baustria (kambal) na buwag na ngayon dahil nagsolo-solo na sila.
Sa Record-Breaker concert ni Sarah G ipinakilala isa-isa ang miyembro ng Pop Girls pagkatapos ng production number nilang Nobody.
Nakita namin ang Instagram account ng mommy ni Nadine na si Gng. Myraquel Paguia-Lustre o @myplustre na naka-post ang maraming video clips ng anak ng mga show kasama ang Pop Girls na in-upload naman ng JaDine fanatics.
Nagse-senti ang mama ni Nadine sa pinagdaanan ng anak kaya siguro niya ipinost ang mga ito, @myplustre, “#throwback #popgirls #nadinelustre #sarahgeronimo.
After seven years ay heto at sikat na si Nadine kasama ang boyfriend at loveteam niyang si James Reid na nagsimula sila sa Diary ng Panget at sinundan ng Talk Back, You’re Dead.
Sa kilig seryeng On The Wings of Love ang pinakamalaking break ng dalawa dahil first teleserye nila ito at kinagat kaagad ng tao.
Samantalang si Sarah G ay nilimitahan ang sarili sa paglabas sa telebisyon dahil ASAP20 lang ang gusto nitong programa at tuwing araw ng Linggo lang siya mapapanood.
Hindi naman isinasara ni Sarah na puwede siyang tumanggap ng pelikula depende raw sa istorya.
FACT SHEET – Reggee Bonoan