Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
MAYA AND SIR CHIEF WEDDING / NOV 05 2013 Stars Richard Yap and Jodee Sta. Maria during the press conference for their wedding as Sir Chief and Maya on the ABS-CBN show ' Be Careful with My Heart' on a hotel in Manila. *** FOR ENTERTAINMENT *** PHOTO BY RICHARD A. REYES

Ser Chief at Maya, balik-tambalan

00 fact sheet reggeeBALIK-TAMBAKAN sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria na hindi pa sinabi sa amin kung anong project ito dahil on the works pa raw.

Tiyak na maglululundag sa tuwa ang mga supporter nina Ser Chief at Maya o Jo-Chard dahil muli nilang mapapanood ang kanilang idolo pagkatapos ng Be Careful with My Heart.

Pagkatapos kasi ng nasabing serye ay hindi na muling nagkaroon ng ka-loveteam si Richard maliban sa Nasaan Ka Nang Kailangan kita na support lang naman siya roon at ‘yung ibang programang nilabasan ng aktor tulad ng FPJ’s Ang Probinsyano at Super D na ipalalabas sa Abril 18 ay special guest lang siya.

Sa madaling salita, walang sariling serye si Richard pagkatapos ng BCWMH.

Marahil ay araw-araw nakababasa ang ABS-CBN management ng mga nagre-request na muling pagtambalin sina Jodi at Richard kaya heto, ibabalik ang tambalan nila.

Siguro last month ay nabanggit na ito ng pinsan naming nasa Chicago, Illinois at die-hard fan ng Jo-Chard tandem na talagang  namakyaw at kompleto ng DVD ng Be Careful with My Heart noong umuwi ng Pilipinas noong isang taon dahil gusto raw ng mama niya o lola naming ulit-ulitin itong panoorin kapag naiiwang mag-isa sa bahay dahil nga nasa opisina lahat ang anak na may nilulutong project para sa dalawang bagay na hindi namin pinaniwalaan.

Kasi nga sabi ni Richard ay ang seryeng Someone To Watch Over Me nila ni Judy Ann Santos ngayong Disyembre.

Hmm, puwede namang isingit ang Jo-Chard project dahil Abril palang ngayon, pero kung mag-hit ulit ito, eh, malamang maurong sa 2017 ang Richard at Juday serye.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …