Sunday , December 22 2024

INC sa Jerusalem (Makasaysayang pagsamba)

INIHAYAG sa publiko nitong Biyernes ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang pangangasiwa ni Executive Minister Eduardo V. Manalo sa kauna-unahang pagsamba sa lokal ng Jerusalem sa bansang Israel, ang sentro ng Kristiyanismo.

Sa pagbubunyag ni Bro. Edwil Zabala, tagapagsalita ng INC, ang pagsamba ay kasabay ng ika-20 anibersaryo ng pagkakatala ng Iglesia sa Israel.

“Aming ikinagagalak ang pagkakataong makapagpahayag sa mga kapatid sa mismong bayang sinilangan ng Kristiyanismo – ang Jerusalem. Ang gawaing ito, para sa amin, ay isang makasaysayang pagkakataon na maihahambing sa pagbabalik-bayan, isang pag-uwing espiritwal para sa aming Punong Tagapangasiwa, sa mismong pinag-usbungan ng pananampalataya,” ayon kay Zabala.

Kasabay ng pagbisita ni Manalo, inordinahan din doon ang 10 bagong mga ministro, na ayon sa tagapagsalita ng INC ay isang pangunahing patunay sa paglago ng Iglesia at paglawak ng naabot ng ebanghelyo sa Europa at sa Gitnang Silangan.

Ang nasabing mga gawain ay natunghayan sa lahat ng kapilya ng Iglesia sa Filipinas at sa buong mundo sa pamamagitan ng live video link.

Nauna nang pinasinayaan ni Manalo ang ilan pang mga kapilya sa North America kamakailan lamang.

Noong Pebrero at nang nakaraang buwan, binuksan din ni Manalo ang gusaling-pagsamba sa Bakersfield, California, Jersey City, New Jersey, at Orange Park, Florida. May seating capacity na 300 ang lahat ng nabanggit.

Ang kapilya sa Lubbock, Texas ay may 484-seating capacity para sa pangunahing sambahan at karagdagang 150 katao ang maaaring gumamit sa function hall ng nasabing gusali, samantala ang gusali sa Regina, Canada ay kayang tumanggap ng 250 katao sa main hall at 100 sa function hall.

“Ginagawa ang lahat ng pangasiwaan ng INC upang isakatuparan ang kahilingan ng mga Kapatid na magtayo ng bagong mga gusaling-sambahan sa kani-kanilang mga lokal. Ang aming layon ay mapaglingkuran ang mga kapatid, saan man sila naroon, at iparamdam sa kanila ang pagmamahal sa kanila ni Cristo at ng Iglesia,” ayon kay Zabala.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *