Sunday , December 22 2024

Dayaan sa Maynila lulutuin sa Crame

MAGIGING piping saksi ang apat na sulok sa ‘selda’ ni Sen. Jinggoy Estrada sa lulutuing pandaraya sa Maynila sa nalalapit na halalan.

Ito ang nabatid sa source ng Hataw mula sa kampo ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada.

Anang source, nagbigay umano ng direktiba si Erap sa mga barangay chairman sa Maynila na magpunta sa ‘selda’ ni Jinggoy sa Camp Crame Detention Center upang kubrahin ang nakahandang suhol para sa kanila at doon ipaaalam ang magiging papel nila para ipursige na manalo siya sa darating na Mayo 9.

Magkukunwari umano ang barangay chairman na magtutungo sa Camp Crame na dadalaw kay Jinggoy upang hindi mahalata ng mga bantay na pulis ang kanilang pakay. Mayroong 897 barangay chairman sa Maynila.

Dagdag ng source, hindi na bago ang naturang estratehiya ng mga Estrada dahil ginawa na rin nila ito para kay San Juan City Mayor Guia Gomez laban kay Vice Mayor Francis Zamora.

Matatandaan na pinulong nina Guia at Erap ang mga barangay chairman sa San Juan City sa ‘selda’ ni Jinggoy at binalangkas ang plano kung paano ietsa-puwera si Zamora sa kanilang kampo na natuklasan ng bise-alkalde kaya napilitan labanan si Guia sa pagka-alkalde ng siyudad.

“Sana ay umaksiyon ang liderato ng PNP at DILG para matigil na ang illegal na paggamit sa kanilang pasilidad ng mga Estrada para mandaya sa eleksiyon upang mapanatili ang pangungunyapit sa puwesto. Siguradong may ‘kumita’ sa mga opisyal ng detention center kaya nakalalabas-masok ang mga dalaw ni Jinggoy na hindi naman niya kamag-anak at abogado,” sabi ng source.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *