Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel at Luis, walang balikang nagaganap

00 fact sheet reggeeBUMALIK ng Singapore si Angel Locsin noong Linggo para sa follow-up therapy niya sa likod.

Nasulat namin dito sa Hataw na dumaan sa laser operation si Angel noong Pebrero na inabot ng apat na oras at dapat sana ay hanggang katapusan siya mananatili sa hospital pero limang araw lang doon ang aktres at umuwi rin dahil kaarawan ng daddy niya noong Pebrero 16.

Hindi pala natuloy umalis si Angel pagkatapos ng kaarawan ng tatay niya dahil marami siyang inasikaso bukod pa sa hindi rin natuloy ang international screening ng Everything About Her sa Singapore kaya noong Linggo lang ulit siya lumipad at mananatili raw hanggang katapusan ng Marso.

Live episodes na ang Pilipinas Got Talent Season 5 sa Abril kaya kailangang gumaling na si Angel dahil may mga project daw na nakapila, ayon sa taong kausap namin tungkol sa aktres.

Tinanong namin kung kasama ang Darna movie sa projects na nakapila pero hindi na kami sinagot ng kausap namin.

At sa nakaraang PGT5 episode noong Linggo ay maraming supporters nina Angel at Luis Manzano ang natuwa dahil ang sweet daw ng TV host/actor dahil inaalalayan ang dalaga nang makaramdam ng pananakit sa batok.

Tinanong tuloy kami ng ilang fans kung nagkabalikan na ang dalawa kaya binalikan din namin ang kausap namin kung ano na ang latest kina ‘Gel at Luis.

“They’re just being civil to each other siguro,” mabilis na sagot sa amin.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …