SAPILITANG pinakain ng isang ina ang kanyang anak na dalaga ng mahigit 30 goldfish bilang parusa, ayon sa lokal na pulisya sa Fukuoka, Japan.
Ang insidente ay sa kabila ng pagharap ng nasa-bing bansa sa tumataas na bilang ng mga kaso ng child abuse.
Sinasabi na pinilit nina Yuko Ogata at kanyang boyfriend na si Takeshi Egami ang biktima na kumain ng mga patay na isda noong buwan ng Hunyo, at batay sa mga ulat, araw-araw na inaabuso ang dalaga ng kanyang ina.
Sa ulat ng lokal na media, pinatay ng magkasintahan ang mga goldfish sa pamamagitan ng pagbuhos ng detergent sa tangke na nakalagay ang mga alagang isda, saka sapilitang ipinakain sa anak ni Ogata.
Nang mai-report ang insidente, agarang inaresto ang magkasintahan. Iniulat din na walang naging masamang epekto ang pagpapakain ng mga patay na goldfish sa dalaga.
Noong nakaraang taon, naharap din sa reklamo sina Ogata at Egami sanhi ng pagtali sa biktima sa kama, pagsuntok sa mukha nito at pagsunog ng dila nito ng sigaril-yo.
Ang pagpapakain ng mga isda sa dalaga ang ika-limang pang-aabuso sa kanya simula noong naka-raang taon.
Sa datos ng pulisya, ang insidente ay isa lamang sa iba pang nakababahalang pangyayaring nagaganap sa Japan.
Nitong nakaraang buwan, binawian ng buhay ang isang tatlong-taon-gulang na batang babae matapos sadyang buhusan ng kumukulong tubig.
Ayon sa health ministry, nagtala ng 89,000 kaso ng child abuse sa nakalipas na taon.
ni Tracy Cabrera