Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia at Miles, nagkapatawaran na

MANANAIG ang katotohanan at pagpapatawad dahil nagkaayos na ang dating magkaribal na sina Joanna (Miles Ocampo) at Trixie (Julia Barretto) para maisalba ang kanilang mga buhay mula kay Dexter (Jay Manalo) sa huling linggo ng And I Love You So.

Matapos makuha ang mga ari-arian ni Alfonso (Tonton Gutierrez), tatakas si Katrina (Angel Aquino) kasama ang kanyang anak na si Trixie at lalayo kay Dexter upang masolo ang perang kanyang nakamkam. Ngunit bago pa sila makaalis, madarakip ni Dexter si Trixie at susubukang patayin ang dalaga. Pero makagagawa siya ng paraan na makatakas at hihingi ng tulong kay Joanna. Dahil sa lubos na pag-aalala, agad siyang pupuntahan ni Joanna at susubukang iligtas ang kanyang buhay.

Maisalba kaya ni Joanna mula sa panganib si Trixie o parehong malalagay sa bingit ng kamatayan ang kanilang mga buhay? Ano ang gagawin ni Katrina upang hindi magtagumpay ang masasamang plano ni Dexter?

Samantala, abangan sina Julia, Miles, Iñigo Pascual, at Kenzo Gutierrez na makipiyesta at magpadama ng taos-pusong pasasalamat para sa mainit na suporta ng mga manonood sa And I Love You So sa Kapamilya Karavan sa Araw ng Davao 2016 sa Sabado (March 12), 4:00 p.m. sa SM City Davao.

Tutukan ang huling linggo ng And I Love You So, tuwing hapon sa ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay sa programa, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.

( Reggee Bonoan )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …