Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Produ ng Hele sa Hiwagang Hapis, tubong lugaw

00 fact sheet reggeeCURIOUS kami kung naningil ng talent fee sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz sa producer ng pelikulang Hele sa Hiwagang Hapis na si Direk Paul Soriano ng Ten17P Productions dahil umabot lang sa P8-M ang production cost nito na idinirehe ni Lav Diaz.

Kaya tiyak na tubong lugaw ang Ten17P Productions dahil bukod sa matipid ang pelikula ay nanalo pa ng Silver Bear Alfred Bauer Prize sa nakaraang 66th Berlin International Film Festival.

Sa mga probinsiya ng Sorsogon at Bataan daw nag-shoot ang Hele sa Hiwagang Hapis at araw-araw daw ito sabi mismo ng kausap naming nakasama sa shooting.

Kasi kung naningil ng talent fee sina Piolo at Lloydie ay tiyak na kulang ang P8-M. Sabagay, kilala naman ang dalawang aktor na hindi mahalaga sa kanila ang pera basta’t gusto nila ang project ay gagawin nila ito ng libre bukod pa sa gusto rin nilang makatrabaho si Lav Diaz.

Kuwento ng taong kasama sa set, nag-enjoy daw sila nang husto sa shooting dahil cool director daw si Lav at maging si direk Paul ay wala ka ring maririnig na reklamo bilang producer dahil kung ano ang kailangan ay kaagad nitong ibinibigay.

At kaya raw matipid ang pagkakagawa ng Hele Sa Hiwagang Hapis ay, ”’yung mga big scenes kasi niya, mga tao lang din niya (direk Lav) ‘yung mga kinukuha niya o kaya ‘yung mga tao lang doon. At saka gumagamit ng available light si Lav kaya walang masyadong gastos sa renta.

Bakit hindi si direk Paul ang nagdirehe ng pelikula nina Piolo at Lloydie at bakit kumuha pa ng ibang director? ”In-experience namin katrabaho si Lav, everyday ang shooting at enjoy naman.”

Maganda ba ang pelikula at hindi ba ito nakaiinip dahil umabot sa walong (oras) itong pinanood ng mga hurado sa Berlin International Film Festival?

“Maganda ‘yung movie, cineaste kasi ako.  Malalim pero ‘pag nabuo (napanood) mo, maintindihan mo. May buryong factor ‘pag hindi ka nakuha (naintindihan) sa first 3 hours, sabi nga ni Lav, ‘it will be an excruciating experience.’”

Kaloka, mas malaki pa ang nagastos sa Love Is Blind ni Kiray Celis na umabot daw sa P12-M?

“Eh, mahal ang mga artista nila,” birong sabi sa amin.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …