HINDI muna nagre-report si Martin Nievera sa hangga’t umeere ang I Love OPM, ayon mismo sa TV host at isa sa Himmigration Officer ng bagong programa ngABS-CBN.
“I think I need to concentrate on this show (I Love OPM) that’s why I don’t report to ‘ASAP’. They (OPM) need me on this show,” paliwanag ng Concert King.
Iiwanan na ba ni Martin ang ASAP? ”Of course not, I will never leave ‘ASAP’. ‘ASAP’ will always be a part of my life even if I’m dead, that’s gonna be my show. I Love that show, I love being in ABS-CBN,” kaagad nitong sagot.
Pagkatapos ng I Love OPM at saka babalik ang singer sa ASAP, “when I’m 65 (years old-nagbiro), who knows, baka next Sunday, ‘di ba?”
Bilang guest o regular pa rin? ”As a singer, I’m not a host anymore on ‘ASAP’, I’m not one of the main host anymore because they have new hosts.”
“‘ASAP’ is ‘ASAP’, it’s good, regardless there were no superstar on our show here (I Love OPM), and we are equally here, no billing problems whatsoever,” paliwanag pa ng TV host.
Si Martin ang pinaka-unang host ng ABS-CBN Sunday noontime show na ang titulo aySa Linggo nAPO Sila noong 1995 hanggang sa napalitan ito at naging ASAP20 na nga.
Kasama ni Martin bilang main hosts ng programa noon sina Gary Valenciano at Zsa Zsa Padilla pero ilang linggo na ang nakararaan ay naging sina Piolo Pascual, Sarah Geronimo, Toni, at Luis Manzano na ang main host ng ASAP20.
At dito nagsimula ang tsikang masama ang loob ng Concert King dahil hindi na uso ang loyalty na ipinost niya sa social media account niya noon.
Pero tinapos na ni Martin ang isyu at sabi nga niya, mahal niya ang ASAP at never niya itong iiwan.
Samantala, nag-e-enjoy daw si Martin sa I Love OPM dahil 100% na hindi mga Filipino ang kasali sa kontes pero daig pa ang mga tunay na Pinoy kung kumanta ng Tagalog songs.
Hindi naman itinanggi ni Martin na hanga siya sa contestants dahil isang linggo lang daw ay saulo na nila ang lyrics ng napili nilang OPM songs para kantahin at alamin ang ibig sabihin ng lyrics.
Laging trending ang I Love OPM tuwing weekend at nakakuha kaagad ng 24.8% noong Pebrero 13 at 20% naman noong Pebrero14.
Isang orihinal ang konsepto ng ABS-CBN, ang I Love OPM na hino-host ni Anne Curtisat co-host na si Erik Nicolas na ayon mismo sa staff ng programa ay si Ms Cory Vidanes (ABS-CBN COO) daw ang nakaisip nito at pinabuo sa kanila.
Nakapili na ng 12 Touristars sa loob ng dalawang linggo na inaprubahan ng Himigration Officers at mapapanood na sa susunod na round.
Ang mga napili ay ang Amerikanong si Sumner Mahaffey at Australyanong si Naisa Lasalosi na parehong misyonaryo sa bansa, Indian na si Addy Raj na isa namang exchange student.
Ang Pakistani model na si Harris Dio Smith at Amerikanong negosyanteng si Jerome Mccuin naman ay natagpuan ang kanilang lugar sa Pilipinas matapos maimbitahan ng mga Filipinong kaibigan na bumisita rito.
Sa kabilang banda, pag-ibig naman ang nagdala sa Rusong si Anna Rabtsun at Amerikanong si Daniel Herrington sa Pilipinas na kapwa nakahanap ng kanilang mamahalin.
May ilan ding sadyang nahulog lang talaga ang loob sa musikang Pinoy tulad ng Amerikanong si Ryan Gallagher, dalagitang German-Irish na si Jeena Dimaandal, at Singaporean na si Fathin Amira.
At ang ika-12 sa puwesto ay ang Korean band na J Morning at interracial singing trio naDBD na binubuo nina Dae Lee, Nigerian na si Bobby Skyz, at Australyanong siDwaine Mooley.
Sino-sino pa kayang Touristars ang daragdag sa listahan ng uusad sa susunod na round? Ano pang kuwento ang makakakuha sa puso at loob ng mga manonood?
Ang mananalo sa I Love OPM ay bibigyan ng kontrata sa Star Music at posibleng maging artista under Star Magic at P2-M cash. Bukod dito ay papupuntahin ang pamilya ng mananalo rito sa Pilipinas sagot ng ABS-CBN lahat ng gastos para raw ma-experience nila ang ganda ng bansa.
Nilinaw din ng taga-production ng I Love OPM na may special working visa raw ang mga contestant na inayos ng ABS-CBN at kakaltasan din sila ng tamang buwis base sa napanalunang premyong cash.
FACT SHEET – Reggee Bonoan