Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel sinorpresa ang ama, umuwi pagkatapos ng isinagawang procedure sa Singapore

NATULOY nga na umuwi ng Pilipinas si Angel Locsin noong Miyerkoles ng hatinggabi para sa 89th birthday ng daddy niyang si Mr. Angel Colmenares.

Nabanggit ito sa amin ng taga-ABS-CBN na isang araw pagkatapos ng procedure ni Angel ay uuwi siya ng bansa para isorpresa ang daddy niya at muli siyang babalik ng Singapore para sa iba pang check-up.

Namataang naka-neck-brace at naka-wheel chair si Angel nang makita siya sa airport noong Miyerkoles ng hatinggabi kasama ang staff ng Star Cinema.

Bale ba naunang nag-post na si Angel sa IG, ”won’t miss my daddy’s birthday tom (Pebrero 16) on our way home!”

At nag-post din ang aktres habang nasa sasakyan na sila ng daddy at kapatid ng,”Birthday salubong ni daddy 🙂 literal. sinalubong nya ako sa birthday nya! happy birthday father dear!”

Kitang-kita na ang saya-saya ng aura ng daddy ni Angel maski na nakapikit ito at maging ang kapatid ng aktres ay hindi rin naitago ang tuwa sa pag-uwi ng dalaga.

Kaarawan din ni Anne Curtis kahapon (Pebrero 17) at binati rin siya ni Angel sa IG, ”Happy birthday to the beautiful, smart, sexy, talented, kind (eh di ikaw na!) @annecurtissmith labyu Anita!

Samantala, mukhang inilihim ni Angel kung anong airline siya dahil hindi siya nahanap ng stringer na naka-assign sa NAIA, ha, ha, ha kaya hindi siya natanong.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

https://www.instagram.com/p/CbrIQt_LxCC/?utm_source=ig_web_copy_link