NGAYONG gabi na mapapanood ang Bakit Manipis Ang Ulap sa TV5, 8:30 ng gabi na pagbibidahan nina Claudine Barretto, Diether Ocampo, Meg Imperial, Bernard Palanca, at Cesar Montano produced ng Viva Television.
Sobrang proud sina Viva boss Vic del Rosario, Direk Joel Lamangan at lahat ng bumubuo ng seryeng Bakit Manipis ang Ulap na TV remake dahil sa nakaraang advance screening nito sa SM Aura ay inimbita nila sina TV5 Chairman Manny V. Pangilinan at TV5 President at CEO Noel C. Lorenzana.
Sobrang busy si MVP kaya bumilib ang lahat dahil napadalo nila ito na bihirang mangyari. Panalo ang pilot week ng Bakit Manipis ang Ulap dahil big scene kaagad at nagsimula ang kuwento sa kasal nina Roxanne Barcelo at Bernard bilang si Migs na ex-boyffriend ni Claudine as Marla.
Napigilang mag-eskandalo si Claudine ni Diether na bestman sa kasal dahil alam ng una na siya ang mahal ni Bernard at napilitang pakasalan si Roxanne dahil mayaman ito at para iligtas ang naluluging negosyo ng magulang. Magkaklase at magkaibigan sina Diether at Claudine sa kolehiyo at nakilala ni Bernard ang aktres dahil sa una na kinakapatid niya dahil anak ito ng tatay niya sa ibang babae na ginagampanan ni Lloyd Samartino. Bagamat may asawa na si Bernard ay hindi pa rin niya binibitawan si Claudine bagay na ikinagalit nang husto ni Diether dahil pumayag na maging kabit ang kaibigan niya.
Para tuluyang malimutan ni Diet si Claudine ay nagpakalayo-layo siya at nililibot ang buong Pilipinas hanggang sa nakilala niya si Meg na mahilig maglaro na kung sino ang gustong lalaki ay kailangang mapasakanya. Nagkaroon ng one-night stand sina Diet at Meg at ito pala ‘yung sinasabi ng aktres na gigil na gigil ang aktor sa first kissing scene nila dahil ipinakita na talagang nanggigil ang aktor.
Samantala, si Claudine ay isang waitress at nakilala niya si Cesar bilang si Ricardo na gusting-gusto siya pero hindi nagpakilalang mayaman . Inoperan ni Cesar si Claudine na kasal pero tinawanan lang ng huli dahil nga hoping pa rin siya kay Bernard na kadalasan ay hindi siya sinisipot.
Isang gabing malungkot si Claudine dahil hindi sila nagkita ni Bernard ay tinawagan niya si Diether pero hindi siya sinagot hanggang sa tinawagan niya si Cesar para maibsan ang lungkot at tinanong kung tuloy pa rin ang alok nitong kasal. Ikinasal ang dalawa at laking gulat ni Claudine nang ilibot siya ni Cesar sa mga negosyo nito at resort hanggang sa may tumawag sa aktor at si Meg iyon na anak pala niya.
Sa madaling salita, si Meg ang kontrabida sa kuwento dahil ang babaeng mahal na mahal ni Diether ay madrasta na pala niya na ang inisip ay kayamanan ng tatay niya ang hangad ni Claudine kaya pumayag na magpakasal.
Ano kaya ang mararamdaman ni Diet kapag nalaman niya na ang babaeng mahal na mahal niya ay asawa na ng babaeng naka-one night stand niya?
Mahusay pa ring umarte si Claudine dahil maski na chubby siya sa screen ay hindi mo na lang papansinin dahil mas bibigyan mo ng bigat ang galing niya sa pag-arte. Gusto lang naming punahin itong si Diether dahil napaka-stiff ng acting niya, pati boses niya ay modulated parang hindi siya natuto sa tagal na niya sa showbiz. Ito siguro ‘yung kuwento ni Meg sa Wattpad Presents: My Casanova Husband interview, ”hindi ko alam na ganoon pala talaga kalalim at malaki boses niya (Diet), akala ko sa presscon lang.”
Good thing si Diether lang naman ang ganoon dahil halos lahat ng nasa Bakit Manipis Ang Ulap ay mahusay magsi-arte kahit na nga support lang ay okay din tulad nina Janelle Jamer at Samantha Lopez dahil hindi talaga sila nagpakabog ‘no at siyempre, maganda ang pagkaka-direhe ni Lamangan.
Base sa napanood namin ay puwedeng-puwedeng itapat ang Bakit Manipis Ang Ulap sa mga serye ng ABS-CBN at GMA 7. Ano nga ba ang katapat ng Bakit Manipis Ang Ulap sa ABS-CBN ng 8:30—FPJ’s Ang Probinsyano o ang bagong papasok na Dolce Amore, Ateng Maricris?
FACT SHEET – Reggee Bonoan