Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Toni at Paul, nakabuo na ng baby

“FIRST trimester daw, eh, so ilang buwan ‘yun,” ito ang sabi sa amin ng kampo ni Toni Gonzaga-Soriano noong i-text namin kahapon kung ilang buwang buntis na ang TV host/actress.

Sabi namin, “eh, di tatlong buwan.”

Matatandaang noong Hunyo 12, 2015 ikinasal sina Toni at Direk Paul Soriano at posibleng Oktubre palang ay nakabuo na ang mag-asawa ng kanilang magiging panganay.

Nabanggit din na ito rin daw ang rason kung bakit on and off ang tapings ng Written In Our Stars na pagbibidahan nina Toni, Sam Milby, Jolina Magdangal, at Piolo Pascualdahil minsan ay masama ang pakiramdam ng TV host/actress.

“Noong una hindi pa kasi sure, pero noong nagpa-check up na, ‘yun nga buntis na,” sabi pa sa amin.

Paano na ang Written In Our Stars tuloy pa rin ba?

“Oo tuloy pa rin, papalitan na malamang si Toni kasi hindi naman siya puwedeng magpuyat at mapagod,” sabi ng kampo ng TV host/actress.

Akala namin ay hihintayin si Toni na manganak at saka itutuloy ang Written In Our Starstulad ng nangyari kina Richard Yap at Judy Ann Santos na hihintayin ang huling makapanganak.

“’Yun naman, hindi pa nag-start mag-taping kaya puwedeng maghintay, eh, itong ‘Written In Our Stars’, naumpisahan na, actually, hindi ko alam anong mangyayari,” pahayag sa amin.

Tuloy-tuloy pa rin daw si Toni sa mga programa niya sa ABS-CBN tulad ng ASAP20 na isa na siya sa main host maliban lang sa serye kasi nga puyatan blues ito.

Samantala, kung hindi magbabago ang plano ng mag-asawang Toni at Direk Paul ay saASAP20 daw nila ia-announce na magkakaroon na sila ng baby.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …