Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jean, 10 taon nang ‘di nakaTutuntong sa Kapamilya Network

011716 jean garcia

00 fact sheet reggeeWALA bang offer kay Jean Garcia ang ABS-CBN? Kaya namin ito naitanong ay dahil 2006 pa raw huling tumuntong ng Channel 2 ang aktres.

Mainit kasi ang seryeng Pangako Sa ‘Yo nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kasama sina Jodi Sta. Maria, Angelica Panganiban, at Ian Veneracion.

Siyempre sa umpukan ng mga reporter ay napag-usapan ang mga orihinal na gumanap na Ms. Amor Powers na si Eula Valdez at Jean bilang si Madam Claudia Buenavista.

Si Eula ay huling napanood sa fantaseryeng Dyesebel ni Anne Curtis na ipinalabas noong 2014 at ngayon ay nasa GMA 7 naman.

Bukod dito ay maraming artista rin ang umalis sa ABS-CBN at lumipat sa ibang TV network pero ilang taon lang ay muling bumalik katulad nina Sharon Cuneta, Mariel Rodriguez, Robin Padilla, Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Janice de Belen, Carmina Villaroel at ‘yung iba ay pabalik-balik lang din kapag may offer.

Kaya maraming nagtatanong kung bakit ang isang katulad ni Jean na magaling na aktres ay hindi ino-operan ng Kapamiya Network.

Baka kasi hindi pinakakawalan ng GMA 7 si Jean dahil sunod-sunod ang offers sa kanya kaya hindi makasingit ang ABS-CBN?

Anyway, may nakarating na kuwento sa amin na may problema raw si Jean sa ABS-CBN kaya hindi pa siya nakakatuntong muli.

Kung anuman iyon, umaasa kami na sa tamang panahon ay maayos.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …