Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, balik-Singapore para sa 2nd procedure ng sakit sa likod

011416 angel locsin

00 fact sheet reggee“HINDI ko po alam. Ewan ko po,” ito ang sagot ni Angel Locsin sa tanong kung siya pa rin ba ang gaganap na Darna sa pelikulang ididirehe ni Erik Matti na nakatakdang ipalabas ngayong 2016 handog ng Star Cinema.

Kung iaanalisa ang sagot na ito ng aktres ay malaki na ang pagkakaiba sa mga pahayag niya dalawang buwan na ang nakararaan na hindi na siya ang gaganap naDarna dahil sa sakit niya sa likod.

At dahil dumaan na siya sa laser operation noong Disyembre at bumuti-buti na ang pakiramdam, muli siyang babalik ng Singapore sa Pebrero para sa ikalawang procedure at hopefully ay maitama na ang spine niya para handa na siyang lumipad muli.

Sa report ng ABS-CBN news ay nabanggit kay Angel na siya pa rin ang kinikilala ng netizens na Darna, ”nakaiiyak. Siyempre, ‘yung pinaghirapan ko rin naman iyon sa ginawa ko. Kaya nakatutuwa na tumatatak pa rin sa tao. ‘Di ko makalilimutan ‘yung pagmamahal na ibinigay nila.”

At base naman sa Instagram post ni direk Erik noong Enero 13 ay pinahulaan niya kung sino ang gaganap na Darna sa nakalarawang babaeng naka-hoodie na labas ang ilong at bibig.

Sinadya raw talagang ilabas ang teaser ng Darna ng Star Cinema sa mga sinehan sa kasagsagan ng Metro Manila Film Festival para maging daan ito para malaman kung sino ang gusto ng netizens na gumanap.

Nakausap naman si Angel ni TV Patrol  correspondent na si Ginger Conejero sa ginanap na auditions ng Pilipinas Got Talent 5 sa KIA Theater, Araneta Center noong Martes.

Hmm, hindi kaya isa sa dahilan kaya inilagay si Angel bilang isa sa hurado ngPilipinas Got Talent Season 5 ay para visible ulit siya sa lahat at advance promo na rin ito ng Darna?

In fairness, hindi naman nakalimutan ng tao ang aktres maski na mahigit isang taon siyang hindi napapanood sa telebisyon.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …