In fairness, ang ganda ng sagot ni Priscilla, “actually po, Meirelles ang gamit ko, ang production unit ang pumili, pero kanina (bago mag- presscon), asked me, ‘paano i-pronounce ang last name n’yo po,’ sabi ko na lang, ‘Estrada na lang po para mas madali.’
“Pero ‘yung sa totoo po, I’m married and I believe that in the eyes of the Lord, I should always honor my husband, so ang family name niya ay Estrada, so one of the reasons why I’m staying in the country is because I got married, of course I need to honor the surname from the day I got married in the eyes of the Lord.
“And that’s the surname that also carries my daughter carry, so I think it’s sort of dignify him (John) and show also that I’m proud to be able to earn that.
“But in general, it’s easier to pronounce, ‘yun talaga ang totoong name ko na ‘yun at totoong buhay, don’t plan to change that.”
At ang apelyidong Meirelles ay maiden name raw ng mama ni Priscilla at ito raw talaga ang ginagamit niya simula noon dahil single parent ang nanay niya.
“I want to honor her she’d done for me, she was a single parent, that’s the way she raised me up,” pagtatapat ni Priscilla.
Ang apelyido ng tatay niya ay Almeda pero hindi niya ginamit dahil nalaman daw niya na may kapangalan at kaapelyido siyang aktres din ng dumating siya ng Pilipinas, si Pricilla Almeda na rating bold-star noong 90’s.
Binalikan ng tanong si Janice kung bakit never niyang ginamit ang Estrada noong okay pa sila ni John.
Tawa ng tawa si Janice at magalang nitong sinabing, “de Belen na ako, ibigay na natin iyon sa kanya (Priscilla), kanya ‘yun, hindi na ako kasama roon.
“Huwag na nating ibalik ang nakaraan, okay na ako, at buti nga ginagawa niya (Priscilla) ‘yun kasi hindi naman lahat ng asawan ng artista ay ginagamit ang apelyido ng mga asawa nila. So, John must be proud that she (Priscilla) actually decided to do that.”
Sabay sabi ni Manay Ethel Ramos, “at least masasabi mo (Janice), you were the first BE MY LADY.”
At nagkatawanan ang lahat at maging si Priscilla ay sobrang tawa rin ng tawa sa narinig.
Sa Enero 18, Lunes na mapapanood ang Be My Lady nina Erich at Daniel kasama rin sina Yayo Aguila, Almira Muhlach, Yves Flores, Karen Dematera, MJ Cayabyab, RK Bagatsing, Devon Seron, Karen Reyes, Mike Lloren, ANA Abad Santos, Perry Escano, Marife Necesito mula sa direksiyon ni Ted Boborol mula sa RSB unit.
FACT SHEET – Reggee Bonoan