Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagpasok ni Elmo sa ABS-CBN, ikayayanig ng ibang Kapamilya actors

112715 elmo janella

00 fact sheet reggeeANONG nangyari sa tambalang Mario Mortel at Janella Salvador?  Hindi ba sila effective katulad ng JaDine, LizQuen, at KathNiel?

Kaya namin ito nasabi ay dahil galing pa sa ibang TV network ang bagong ka-loveteam ni Janella at ito’y si Elmo Magalona.

Yes Ateng Maricris (nasa presscon ka kahapon), sitsit ng aming source na pumirma na ng kontrata si Elmo sa ABS-CBN kahapon at co-manage siya ng Star Magic at mommy niyang si Pia Magalona.

Diretso ang tanong namin sa aming source kung bakit kinuha ng ABS-CBN si Elmo, eh, hindi naman kasikatan dahil nakailang serye na siya saGMA 7 ay hindi naman nagmarka.

Hindi katulad ni Onyok sa FPJ’s Ang Probinsyano na buong mundo ay kilala ang batang sidekick na ito ni Coco Martin dahil napapanood siya sa pamamagitan ng The Filipino Channel o TFC.

Ang katwiran sa amin ng aming source,  ”Magalona ‘yan kaya may lalim umarte, hindi lang alam ng GMA 7 kung paano ito ilabas, makikita mo ‘pag nasa ABS na siya, lalabas ang husay niya sa pag-arte.”

Sabagay, halos lahat naman ng artistang galing sa GMA 7 ay naging instant superstar at gumaling umarte nang mapunta na sa ABS-CBN.

Hmm, ano ba kasi ang problema sa GMA 7 at hindi magagaling ang mga artista nila? Parang mga nagsisimula palang lahat in terms of acting?

Si Elmo ang ipinakilala ng Dreamscape Entertainment kahapon para sa bagong project for 2016 at si Janella nga ang leading lady ng binata na ang titulo ay Born For You na hango sa awitin ni David Pomeranz.

Family drama at destiny daw ang takbo ng kuwento, ”Music will play a big part in the teleserye,” sabi ni Ateng Maricris.

Anyway, may dating naman si Elmo tulad ng tatay niyang si Francis Magalona at ang balik-tanong nga namin sa source namin ay, ‘ikayayanig ba ng mga taga-Star Magic young actors ang pagpasok ng binata sa Dos?’

“Oo nga, kawawa naman ‘yung ibang young actors ng Star Magic, mas lalo silang matatabunan,” sagot sa amin.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …