Sabi ng taga-Viva ay ngayong araw palang daw nila ipare-preview ang Angela Markado sa MTRCB at hoping sila na sana hindi naman masyadong mahigpit o putulin ang mga importanteng eksena.
Kaya kami curious kung anong rating ay dahil sa sinabi ni direk Carlo na mas matitindi ang rape scenes ni Andi Eigenmann kompara kay Hilda Koronel na napanood noong 1980 na idinirehe naman ni Lino Brocka.
Nakadi-disturb nga ang mga eksenang binanggit ni direk Carlo base sa napanood naming trailer noong presscon ng Angela Markado sa Music Hall, Metrowalk, Pasig City.
Ito rin naman ang inamin ni Andi na totoong nahirapan siya sa rape scenes kaya inabot sila ng isang linggo sa shooting.
Sangkaterba nga raw ang mga pasa at sugat sa katawan ni Andi mula sa rapists niyang sina Epy Quizon, Paolo Contis, Felix Roco, Polo Ravales, at CJ Caparas (anak nina direk Carlo at Donna Villa) na tinototoo ang mga eksena.
Sabin g aktres, “actually, mahirap siya, aside roon sa emotions na kailangan mong ipakita, napakahirap din ng action stunts. And ang hahaba ng mga eksena.
“You know what, we had so much fun shooting that rape scene, hindi nila ako pinabayaan. Actually, naging magtotropa na kaming anim.
“Matagal na naman talaga na magkakatropa kami. Pero sa set namin ngayon, ang saya.”
FACT SHEET – Reggee Bonoan