Friday , April 25 2025

‘Nakakabaong’ na Press Freedom ‘ililibing’ ng NUJP (Sa 6th anniversary ng Maguindanao massacre)

INIHAYAG ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), taliwas sa mga nakaraang taon ay magiging simple ngunit makabuluhan ang kanilang paggunita sa ika-anim anibersaryo ng Maguindanao massacre ngayong Lunes.

Sinabi ni Alwyn Alburo, director ng NUJP, walang mangyayaring kilos-protesta bagkus isang silent march ang isasagawa ng kanilang grupo na susundan ng candle light vigil.

Una rito, isang forum muna ang isasagawa at tatalakayin ang takbo ng kaso at ang mga hakbang na gagawin ng kanilang grupo sa kawalan ng katarungan sa 32 mediamen na namatay sa masaker.

Ayon kay Alburo, ang silent march ay magsisimula dakong 1 p.m. hanggang 4 p.m. sa Polytechnic University of the Philippines sa Metro Manila patungo sa Mendiola Bridge.

Dagdag niya, ang mga makikibahagi sa martsa ay magsusuot lahat ng itim na damit habang may 32 katao na magbibitbit ng sulo.

Ang 32 katao ay kakatawan sa 32 mediamen na Maguindanao massacre victims.

Aniya, habang nagmamartsa ay ipaparada ang karo, sakay nito ang tatlong kabaong habang tumutugtog ng funeral march.

Ang mga naturang kabaong ay simbolo ng rule of law, accountability at press freedom.

Sinabi ni Alburo, pagdating sa Mendiola Bridge ay isasagawa ang silent prayer at babasahin ang mga pangalan ng 32 mediamen na namatay at susundan ito ng candle light vigil.

Pagresolba sa masaker madaliin – Palasyo

SA ikaanim na anibersaryo ng Maguindanao massacre, muling nanawagan ang Palasyo sa hudikatura na madaliin ang paglilitis sa kaso ng pagpaslang sa 58 katao, kabilang na ang 32 mamamahayag.

“So, once again, we continue to ask our judicial branch if there’s anyway that they (can do) to speed up the pace of the case. We understand that the Supreme Court has done a number of reforms to ensure na bumilis ‘yung kaso and to continue, hopefully, sana matapos na po ito at the earliest possible time,” pahayag kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

Kamakailan ay tinapos na ng prosecution ang presentasyon ng mga ebidensiya laban sa 95 suspects na nahaharap sa 58 counts of murder.

Kapag naresolba na ng hukom ang formal offer ng prosekusyon, ang depensa naman ang maghaharap ng kanilang mga ebidensiya.

Sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) ay ipinangako ni Pangulong Benigno Aquino III na tatapusin ng kanyang administrasyon ang extrajudicial killings at papanagutin ang mga responsable sa krimen.

About Rose Novenario

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *