Apat na Sabado napanood si Gloc 9 na nagsimula noong Oktubre 10 at nagtapos noong Oktubre 31.
Maganda ang opening ni Gloc 9 na Apatnapungbara/Forever/Businessman/Payag/Tsinelas Sa Putikan.
Unang panauhin ni Gloc 9 si Yosha para sa awiting Walang Natira, sumunod naman si Yeng Constantino, Upuan.
Nagustuhan namin ang dance interpretation ni Rochelle Pangilinan sa awiting Magda na inabot ng mahigit limang minuto kaya kitang-kita na hinihingal ang ex-Sexbomb dancer.
Gustong-gusto namin ang awiting Hari Ng Tondo na kinanta ni Jolina Magdangal at saka sinabayan din ng rap ni Gloc 9 at ang awitin ni Migz para sa mga biktima ng bagyong Lando.
Sinubukan naman din ni Gloc 9 na magpaka-sosyal sa awitin ni Eminem na I Love The Way You Lie/Stan kasama si Reese.
Special guest ni Gloc 9 ang mag-asawang Ogie at Regine Alcasid na magkahiwalay kumanta ng Hindi Mo Nadinig at Takipsilim.
Nakakaloka dahil talagang hindi puwedeng matapos kumanta si Regine ng hindi tumitili at hindi nagpatalo sa rap ni Gloc 9.
Nagsolo naman sio Gloc 9 sa awiting Simpleng Tao at Sumayaw Ka at pagkatapos ay ikinuwento ng magaling na rapper na fan siya ni Francis Magalona at kung paano sila nagkakilala at naging magkaibigan.
Isa rin sa guest ang kapatid din ni Gloc 9 sa PPL Entertainment na si Maya ang kumanta ng See You Again na patungkol sa idolo ng rapper na si Francis M.
Sabi ni Gloc 9 ay gusto niyang tawagin siyang Alalay Ng Hari at si Francis M ang tinutukoy niyang hari.
FACT SHEET – Reggee Bonoan