Sunday , December 22 2024

Pemberton inisyuhan ng deportation order (Kahit hindi pa tapos litisin sa murder case)

POSIBLENG makauwi sa Amerika si US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton kahit hindi pa siya tapos litisin sa kasong pagpatay kay Filipino transgender Jeffrey “Jennifer” Laude.

Nabatid ito sa panayam ng programang Lapid Fire sa DZRJ 810KhZ kahapon, nang aminin ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Siegfred Mison na puwedeng ipatupad ang deporation order na inilabas ng BI laban kay Pemberton kapag iniutos ng Palasyo o Department of Foreign Affairs (DFA), alinsunod sa Visiting Forces Agreement (VFA).

Lingid sa kaalaman ng pamilya ng biktima, naglabas ng limang pahinang resolution ang BI na nag-uutos para sa deportation ni Pemberton sa katuwirang siya ay “undesirable alien.”

Inamin ni Mison, bukod sa direktiba ng palasyo o DFA, maipatutupad din ang deportation order kay Pemberton kapag iniutos ng korte.

Nakasaad sa VFA na ang isang akusadong “visiting American serviceman” sa Filipinas ay dapat sumailalim sa paglilitis sa loob lamang ng isang taon.

Kung susumahin, matatapos na ang one-year prescription sa Disyembre 2015 dahil nangyari ang pagpaslang kay Laude noong Oktubre 2013 at nagkaroon ng 60-day temporary suspension sa kaso ang Department of Justice, batay sa hirit ng kampo ni Pemberton.  

Pinanindigan ni Mison, ang deportation order kay Pemberton ay hindi iniutos ng sino man bagkus ito’y kusang pagpapasya ng BI o motu propio.

Noong Oktubre 26, 2014, kinasuhan ng Legal Division ng BI si Pemberton ng “undesirability” at isinama ang kanyang pangalan sa watchlist.

Naghain ng motion for self-deportation si Pemberton sa BI noong Nobyembre 24, 2014.

Palasyo iwas-pusoy sa deportation order kay Pemberton

DUMISTANSYA ang Palasyo sa deportation order ng Bureau of Immigration (BI) kay US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton na nililitis sa kasong pagpatay kay Pinoy transgender Jeffrey “Jennifer” Laude.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ipauubaya na lang ng Palasyo sa korte ang legal procedures sa isyu ng deportation kay Pemberton.

Wala raw alam si Lacierda sa itinatakbo ng kaso ni Pemberto sa hukuman ng Olongapo City.

Inilinaw ng BI sa deportation order na hindi kagya’t na maipapatupad ito hanggang walang clearance mula sa Olongapo City RTC Branch 74 na may hawak sa kasong murder laban sa US serviceman.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *