Basura ang senatorial slate ng LP
Hataw News Team
October 14, 2015
Opinion
WALANG binatbat ang senatorial slate ng Liberal Party (LP) na ipinagmamalaki ni Pangulong Noynoy Aquino.
Maliban marahil kina Sen. Frank Drilon, Sen. Ralph Recto at dating senador Panfilo Lacson, ang mga natitirang kandidato ng LP ay maituturing na basura.
Tiyak na dadamputin sa kangkungan ang mga kandidato ng LP tulad nina Risa Hontiveros, Mark Lapid, Leila de Lima, Jericho Petilla, Teofisto Guingona, Francis Pangilinan at Joel Villanueva. At sino naman ang mga alien na kandidato ng LP na sina Nariman Ambolodto at Cresente Paez?
Hindi natin alam kung sa Mars o Jupiter nanggaling itong sina Ambolodto at Paez. Kitang-kitang walang lalim ang senatorial slate ng LP at malamang na ilampaso lang ito ng mga kandidato ng United Nationalist Alliance (UNA) o ng tambalang Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero.
Nakahihiya. Ito ba ang ipinagmamala-king senatorial slate ng daang matuwid? Kahit sa survey ng Social Weather Station (SWS) si Sen. Tito Sotto ang nanguna at pumasok din si Manny Pacquiao at Richard Gordon sa “Magic 12” para sa halalan sa 2016.
Malinaw na ang senatorial line up ng LP ay repleksiyon lamang kung gaano rin kahina ang kanilang presidential standard bearer. Dito masusukat na talagang mahina si Roxas kung ikokompara sa kanyang makakalabang sina Poe at Binay.
Walang laman ang ipinagmamalaking kandidato ng daang matuwid.