Thursday , December 19 2024

Walang magawa si ERAP sa ‘untochable’ bar sa Ermita

PANGILMoney and corruption are ruining the land, crooked politicians betray the working man, pocketing the profits and treating us like sheep, and we’re tired of hearing promises that we know they’ll never keep. — Ray Davies

PASAKALYE: Pagkaupo pa lang ay ibinida na ni ex-convict Manila Mayor JOSEPH ESTRADA na inubos daw ni outgoing Manila Mayor ALFREDO LIM ang pondo sa kaban ng lungsod ng Maynila.

Subalit batay sa dokumentong nakuha ng inyong lingkod mula sa tanggapan ng ingat-yaman ng lungsod ay malaking kasinungalingan ito!

Sa Depository Accounts ng city treasury, may P10,070,921 na dineposito noong Hulyo 5, 2013, mahigit isang buwan matapos na makaupo si ERAP, at sa cash in banks naman ay may P519,298,784.02, sa DBP P267,160,533.74, at sa PNB P8,503,967.79—para sa kabuuang P805,034,207.44. Ito ay sinertipikahan ng outgoin  assistant city treasurer Ma. JAZMIN TALEGON (Hulyo 5 2013).

Ngayon, ano’ng sinasabi ni ERAP na naubos ang pondo ni Mayor LIM?

Nagtatanong lang po . . .

BALIKAN natin ang bar na ipinagmamayabang ng may-ari na malakas daw sila kay ex-convict Mayor ERAP ESTRADA.

Kung minsa’y pinapasyalan ko ang ‘untouchable’ bar sa M.H. Del Pilar Street sa Ermita, Manila kaya personal kong alam na maging ang ilang mga waitress dito (at maaaring pati ang mga spotter sa bilyaran) ay puwede na rin i-‘take out’. Bibilhan mo nga lang muna sila ng LD, o lady’s drink, para makausap mo at kung sakaling magkasundo sa presyo ay may ONS (one-night-stand) ka na!

Maraming mga foreigner din dito na umiinom at naghahanap ng babae para yayain ng sex-for-pay at hindi lang iyon, kung minsa’y nagdya-jamming pa sila sa shabu o cocaine. Karamihan ay mga Koreano, Nigerian at ilang European na kapag nakita mo ay aakalain mong matitino subalit lingid sa inyong kaalaman ay pawang mga drug addict din!

Kung walang magawa si Mayor ERAP sa hindi kanais-nais na operasyon ng nasabing café-cum-bar-cum-prostitution den, marahil ay dapat nang umaksyon ang lokal na pulisya, ang NCRPO, ang IACAT at NBI, at maging ang DILG.

Sa katunayan nga ay dapat na rin i-surveillance at bantayan ng DoLE ang bar na ito dahil hindi sumusunod sa itinakdang altituntunin para sa pag-empleyo ng mga kawani! Below minimum ang sahod na ibinibigay nila at sa pagkakaalam ko ay sinisindikato pa ang pagtanggap ng mga empleyado para may kaltas na mapupunta sa may hawak ng HR at accounting department.

Pero in fairness, walang alam sa mga inilahad natin ang may-ari nito at maging ang management ng establisimento. Dangan nga lang ay dummy ang owner nito na si JUN habang ang tunay na mga may-ari ay mga foreigner, na ang dalawa ay isang taga-Sweden at isang British.

Abangan sa susunod . . . mga foreigner na dapat i-blacklist ng Bureau of Immigration . . .

Gumising ka Sec. Leila de Lima!

ANG pandaigdig na kasaysayan ay nagtuturo na hindi dapat talaga nanghihimasok ang estado sa internal problem ng matitinong grupo ng relihiyon dahil nakagugulo lang ang pakikialam. Karapatan ng ano mang relihiyon na lutasin ang bumabangon(g) sigalot sa kanilang hanay at ito ay ginagarantiyahan ng ating Saligang Batas. Nagkamali si Justice (Secretary) (LEILA) DE LIMA nang pakialaman niya ang I.N.C. sa pagkukunwari na ginagampanan niya ang kanyang tungkulin. May pagsisinungaling sa dila niya at niloloko niya ang bayan at ang sarili niya. Gumising ka, mapanganib ang ginagawa mo.— Ruby Crisosto, Tondo, Ma(y)nila (09277631… Setyembre 27, 2015)

 * * *

Para sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na [email protected] o dili kaya’y i-text n’yo lang po sa aking cellphone number na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart.

Pangil

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *