Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 tiklo, 1 tinutugis sa ninakaw na kotse

ARESTADO ang dalawang lalaki habang tinutugis ang isa pa makaraang tangayin ang sasakyan ng isang mag-ina nang mag-check-in sa isang hotel sa Pasay City.

Patuloy na hinahanap ng mga kagawad ng Pasay City Police ang pangunahing suspek na si Raymund Benedict Anthony Alviar, 29, binata, gym instructor ng 6 Puzon St., San Gabriel Village,Tuguegarao City.

Habang nakapiit na ang kanyang mga pinsan na sina Chris Albert Garcia, 27, ng Hilario St., Brgy. Palanan, Makati City at Arvin Calgo, 29, may-ari ng shop na Ilocos Native Product ng Alcala, Cagayan.

Kahapon ay nagsampa ng reklamo sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Sandra Stinnett, 45, ng Purok 7, Brgy. Carig-Sur, Tuguegarao City, Cagayan.

Ayon sa nakarating na ulat sa tanggapan ni Pasay City Police chief, Senior Supt. Joel Doria, dakong 2 a.m. nitong Biyernes, Setyembre 25, nag-check in si Stinnett kasama ang anak niyang si Natalia Ann Hussein, at sa hiwalay na silid ang tatlong suspek sa Asiatel Hotel sa Andrew Avenue.

Sinasabing magkaibigan sina Stinnett at Alviar at kasamang nakatira sa bahay ng ginang.

Inutusan ni Stinnett si Alviar na iparada ang isang itim na Chevrolet Trail Blazer (AAO-9245) na pag-aari ng ginang, sa parking space ng hotel.

Napansin ng mag-ina bandang 6 a.m. ng Setyembre 26 na wala ang kotse gayondin si Alviar. Sa pag-aakalang may binili lamang sa labas ng hotel, ipinasya ng ginang na hintayin hanggang 12 p.m. ng linggo (Setyembre 27) ngunit hindi na nagpakita ang suspek.

Bunsod nito, nagtungo ang mag-ina sa tanggapan ng Police Community Precinct (PCP-8) at inireklamo ang pagkawala ng sasakyan at ni Alviar.

Sa follow up operation ng mga pulis, pinuntahan nila ang inupahang silid sa hotel ng magpipinsan upang imbitahin sa presinto ngunit nakompiskahan ng droga sina Garcia at Calgo nang sila ay datnan ng mga pulis doon.   

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …