Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Luis, hindi pa papasukin ang politika sa 2016 (Dahil abala pa sa kabi-kabilang show…)

120614 luis manzano

00 fact sheet reggeeKUNG ibabase namin sa sinabi ng TV executive ng ABS-CBN, hindi kakandidato si Luis Manzano sa 2016.

Naitanong kasi namin sa nasabing executive kung bakit si Billy Crawford ang kinuhang host ng bagong game show na Celebrity Playlist gayong kasalukuyang umeere pa ang ikalawang season ng Your Face Sounds Familiar at may It’s Showtime pa na napapanood araw-araw simula Lunes hanggang Sabado.

Bakit hindi si Luis na magaling ding host sa game shows?

“Umeere pa ang ‘Kapamilya Deal or No Deal’, so technically, busy si Luis tapos may ‘ASAP20’ din siya, so wala ring bakante na si Luis.

“At saka may new show siya, hindi lang puwedeng sabihin pa,” sabi sa amin.

Sa madaling salita, kung may bagong programa si Luis at ang Deal or No Deal ay balitang hanggang Disyembre pa ang airing, eh, ‘di hindi makakapaghanda ang TV host/actor ng kanyang kandidatura?

Di ba Ateng Maricris, hanggang Oktubre lang ang deadline ng announcement kung kakandidato o hindi? Eh, paano mangyayari ‘yun, hanggang December pa ang Deal or No Deal? Tapos may paparating pang bagong show?

So, maliwanag na Ateng Maricris, hindi pa papasukin ni Luis ang politika sa 2016.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …