Saturday , November 23 2024

Kris, aminadong minsang naging kabit

080315 kris aquino

00 fact sheet reggeeSA presscon ng Etiquette For Mistresses ay natanong ang cast na sina Claudine Barretto, Iza Calzado, Cheena Crab, Kim Chiu, at Kris Aquino kung nasubukan na nilang maging kabit.

Hindi naman itinanggi ng Queen of All Media na minsan sa buhay niya ay naging mistress siya sa hindi tamang panahon.

“It’s not a secret that I was into a relationship with men who were not annulled, so deadma and it’s reality wala akong itinatago dahil alam naman ni Bimb (Bimby), the only person that I’m answerable is to 8 year old and alam niya (kasi) mababasa niya sa internet, mapapanood niya sa youtube, so sinabi ko na hindi madali kasi you’re pre-judge and I heard that words so often, that’s kabit kasi hindi pa plantsado o hindi naayos.

“Dumaan din naman ako sa marriage na nagloko ‘yung asawa ko, so I’ve been, hook that love from both sides now.

“So pipiliin ko ‘yung madali, wala kang kaagaw, walang kang kailangang ka-share, sabi nga ‘yung sinabi ni Iza, ‘who really wants to share a man’ and sometimes also, you realize you had to go thru those lessons to know what really matters to you and you have to really make mistakes for you to know what is right and what is wrong (and) consequences and I paid those consequences three times,”pag-amin ng TV host/actress.

Naikuwento rin ni Kris na noong una ay alanganin siyang tanggapin ang pelikula dahil nga maaapektuhan ang mga endorsement niya.

Pero pinaliwanagan daw siya ni Star Cinema managing director, Ms Malou N. Santos.

“Si Tita Malou Santos was the reason. We were meeting about a different project and she said, ‘Magsisisi ka kung hindi mo tanggapin. Basahin mo lang.’ Binasa ko young two page synopsis na ginawa ni Kris Gasmen.

“Tinawagan ko si direk Chito Rono, sinabi ko, ‘Direk, magpaka-totoo tayo na marami akong endorsements na puwedeng masagasaan dito.

“Puwede mo ba ako ma-assure, humihingi lang ako ng redemption kasi tanggap ko na from the start ‘di ba ‘yung character na ipo-portray ko hindi family values ang ipino-promote.’

“Pero sinabi ko bigyan mo naman ako ng pagkakataon na maging matuwid ang daan ko,” kuwento ni Kris.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *