Sunday , December 22 2024

Robredo: Poe ‘di kwalipikado pagka-Filipino tinalikuran

“PARA sa akin hindi legal ‘yung question, ‘yung sa akin, mas loyalty to country.”

Ito ang pahayag ni Camarines Sur Representative Leni Robredo nang tanungin siya sa isang panayam tungkol sa isyu ng citizenship ni Senador Grace Poe.

Isa si Poe sa mga nababalitang tatakbo sa pagkapangulo sa halalan sa 2016, bagama’t wala pang deretsong pahayag na kakandidato pero tuloy-tuloy ang pag-iikot sa bansa para mangampanya.

“If at one point, it would be proven that she indeed renounced her Filipino citizenship at one point in her life, palagay ko ba, qualified pa siyang maging presidente? ‘Yung sagot ko roon, hindi,” sabi ni Robredo na isang abogada at naging kandidatong RTC Judge bago pumasok sa politika.

Tinutukoy ni Robredo ang pagtalikod ni Poe sa kanyang Filipino citizenship noong pumunta sa Amerika at naging American citizen. Aminado si Poe na noong 2010 lamang niya binalikan ang kanyang Filipino citizenship nang siya ay na-appoint ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino bilang pinuno ng MTRCB. “Palagay ko hindi natin dine-deserve ‘yung isang president na ‘di ba, parang at one time, tinalikuran tayo?” sabi niya.

Inamin ni Robredo na umaasa siyang magiging pabor pa rin ang desisyon ni Poe na mag-step up at tanggapin ang alok ni PNoy na maging running mate ng pambato ng administrasyon na si Mar Roxas.

Ayon kay Robredo, hindi dapat maging balakid ang mga naging batikos tungkol sa kwalipikasyon ng ilang miyembro ng Liberal Party kay Poe para ma-turn off sa administrasyon. “Ang pagkakandidato, you set aside all the personal stuff. Parang ‘yung sa ‘yo, ano ‘yung pinakamakabuti sa lahat ng Filipino,” pahayag niya.

Tumanggi si Robredo na sabihin ang kanyang opinyon tungkol sa matalik na kaibigan ni Poe na si Senador Chiz Escudero, na sinasabing tatakbo bilang bise presidente ni Poe, at sinabing hindi niya masyadong kilala nang personal.

Ngunit base raw sa mga nababasa ni Robredo sa mga pahayagan tungkol sa mga posisyon ni Escudero, tinawag niyang “populist.”

“A populist leader is problematic. For a leader to be effective, handa niyang ipaglaban ang kaisipan kahit mumurahin siya ng tao,” diin ni Robredo.

Kilalang kaalyado ng administrasyon si Robredo, na biyuda ng yumaong Jesse Robredo. Tiyak naman si Robredo na tamang desisyon ang kanyang pagsuporta kay Roxas. “Sa akin, basic lang. Matino at mahusay. Si Sec. Mar doesn’t sugarcoat things.”

Poe mag-aanunsiyo (PNoy ‘di nababahala)

HINDI kabado si Pangulong Benigno Aquino III sa napaulat na pag-anunsiyo bukas ni Sen. Grace Poe ng kanyang pagsabak sa 2016 presidential race

“Worried? Why should we be worried of her announcing her plans. We really would like to hear what she says. Are we worried? No, we are not worried,” ayon sa Pangulo nang hingian ng reaksyon ng media makaraan ang inagurasyon ng Iloilo Convention Center kahapon.

Si Poe ay matagal nang nililigawan ng Liberal Party upang maging running mate ng kanilang standard bearer na si Mar Roxas.

Binigyang-diin ng Pangulo na ang LP ay naninindigan sa partikular na plataporma de gobyerno at hindi nakabase sa personalidad.

“I think the party stands on a particular platform. We are moving away from personality politics to platform-based politics. So whatever her announcement is, we still insist that ‘yung—we still will be advocating governance-based on a first…, particular specific platform rather than just—rather just any personality,” sabi niya.

Ipinauubaya na ng Pangulo kay Roxas ang pagpili sa magiging running mate sa 2016 elections kahit pa may pinagpipilian na ang kanilang partido.

Kabilang sa mga lumutang na maaaring makatambal ni Roxas ay sina Sen. Alan Peter Cayetano, Congresswoman Leni Robredo at Batangas Gov. Vilma Santos.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *