Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

70 saksak resbak ng delivery boy sa Solaire lady employee (Pagkatao minaliit)

UMABOT sa 70 saksak ng gunting ang naging ganti ng isang delivery boy sa 23-anyos babae makaraang maliitin ng biktima ang kanyang pagkatao kahapon ng umaga sa Pasay City.

Namatay noon din ang biktimang si Rachelle Fernandez, ng Unit 832, 8th floor, Park Avenue Mansion, Park Avenue, Pasay City, empleyada ng  Solaire Casino Hotel.

Nasa kustodiya na ng Pasay City Police ang suspek na si Ronald Rosello, 28, ng Unit 920, 9th Floor ng nasabing condo unit.

Base sa ulat na nakarating kay Pasay City Police chief, Sr. Supt. Joel Doria, nangyari ang insidente dakong 6:45 a.m. sa tinitirhang condo ng biktima.

Sinasabing inabangan ng suspek ang biktima sa paglabas sa inuupahang condo unit at sinalubong nang maraming saksak sa katawan hanggang malagutan ng hininga.

Pagkaraan, pumasok ang suspek sa unit 843 na pag-aari ni Ronaldo Reyes, 43, isang OFW, sa pamamagitan ng pagdaan sa bintana.

Nagulat si Reyes nang makitang duguan si Rosello ngunit sinabi sa kanyang huwag maingay kung ayaw niyang madamay.

Mabilis na tumakbo si Reyes palabas kasama ang asawa’t anak at ipinagbigay-alam ang insidente sa guwardiya na agad na iniulat sa Pasay City Police ang nangyari.

Pagkaraan ay mabilis na naaresto ng mga awtoridad ang nasabing suspek.

Sa pulisya, aminado ang suspek sa krimen at sinabing nagawa niya ang pagpatay sa biktima dahil sa sama ng loob makaraang maliitin ang kanyang pagkatao.

Aminado rin ang suspek na bangag siya sa droga nang isagawa ang brutal na pagpatay sa biktima at idiniing hindi niya hinalay.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong murder at illegal possession of deadly weapon sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …