Sunday , December 22 2024

Film restoration ng ABS-CBN in service to the Filipino pa rin!

082815 Film restoration ABS-CBN
KUNG kami ang tatanungin, napakahalaga ng film restoration project na ginagawa ngayon ng ABS-CBN. Marami na ang nagtangkang gawin iyan noong araw. Isa iyan sa mga proyekto ng dating unang ginang Imelda Romualdez Marcos noong ipatayo niya ang Film Center, pero kagaya nga ng alam natin nawala rin naman sila sa poder. Simula noon bumagsak na ang pag-asang may makagagawa pa niyan. Iyan ay nangangailangan ng malaking pondo at hindi naman halos pagkakakitaan iyan.

Pero iyan ay napakahalaga, dahil iyan ay parang pagpapanatili ng kasaysayan. Sa pamamagitan ng mga pelikulang iyan, nakikita natin kahit paano ang kalagayan ng buhay sa ating bansa sa bawat panahon. Kung mawawala ang mga pelikulang iyan, hindi lamang natin binubura ang kasaysayan ng isang sining kung hindi nalilimutan din natin ang ating sariling kuwento.

Tama si Leo Katigbak ng ABS-CBN, mahigit na 9,000 pelikulang Filipino na ang nagawa. Mayroon pang regional movies. May mga pelikulang Bisaya. May mga pelikulang Ilonggo. At napakaraming maliliit na pelikula o short films. Pero mahigit sa 80 porsiyento ng mga iyan ay wala na, hindi na rin mahahabol ng restoration.

Kaya nga napakaganda ng sinimulang iyan ng ABS-CBN eh, at iyang proyektong iyan ay masasabi naming ginawa nila bilang bahagi na nga lang ng kanilang sinasabing “service to the Filipino”. Hindi nila pagkakakitaan iyan. Maaaring ni hindi mabawi ang kalahati ng pera nilang ginamit diyan. Pero iyan ay kagaya ng isang monumento sa lahat ng mga artista at teknikong Filipino na gumawa ng mga pelikula na mananatili habang panahon.

Ang ilan sa mga pelikulang nai-restore na nila ay ipalalabas sa Powerplant Mall simula sa Miyerkoles na darating.

Pagkakataon na natin iyan para minsan pa ay mapanood ang mga klasikong pelikulang Filipino na “fully restored” at maaaring mas maganda pa kaysa una nating mapanood ang mga iyon ilang taon na ang nakararaan.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *