Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paulo, ayaw magpatalo sa pag-ibig

082315 Paolo Avelino

00 fact sheet reggeeSI Paulo Avelino ang mapapanood  ngayong Linggo sa Wansapanataym na may titulong Cocoy Shokoy.

Sa episode, gagampanan ni Paulo ang karakter ni Cocoy, isang binata na hindi nagpapatalo sa pag-ibig at sa paborito niyang sport na swimming.

Dahil sa pagdating ng isang bagong estudyante, aabusuhin ni Cocoy ang mahiwagang kwintas na ipinagkaloob sa kanya ng isang syokoy upang mapanatili ang kasikatan sa kanilang eskuwelahan.

Ano ang gagawin ni Cocoy sa oras na siya ay maging isang syokoy dahil sa pag-abuso niya sa kapangyarihan ng kwintas? Matutuhan na kaya niya na magpakumbaba at tanggapin ang kanyang pagkatalo at mga pagkakamali? Kasama rin sa Cocoy Shokoy sina Coleen Garcia, Jovic Susim, Janus del Prado, Cai Cortez, at Amy Nobleza.

Mula sa panulat ni Joel Mercado at direksiyon ni Darnel Joy Villaflor. Huwag palampasin ang Wansapanataym Presents Cocoy Shokoy ngayong Linggo na sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang@abscbndotcom sa Twitter. Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng  Wansapanataym gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …