Sunday , December 22 2024

LP ibasted, tumakbong independent (Hiling kay Grace Poe sa kaarawan ni FPJ)

0820 FRONTSA KAARAWAN ni Fernando Poe Jr. (FPJ),  bigyang dangal ang kanyang alaala sa pamamagitan ng pagtakbo bilang independent at isakatuparan ang hangarin para sa mahihirap. 

Ito ang payo kay Sen. Grace Poe ni Sen. Tito Sotto  ngayong Martes kasabay ng panawagan na huwag paunlakan ang imbitasyon ng Liberal Party (LP) na maging katambal ni Interior and Local Government Secretary Manuel “Mar” Roxas II bilang bise presidente.

Ayon kay Sotto na isa sa mga naging haligi ng suporta para sa kandidatura ni FPJ noong 2004, sa pagtakbo ni Poe bilang independent “makahuhulagpos siya mula sa ano mang interes sa politika at  mas mabisa nitong maisusulong ang kapakanan ng mahihirap na siyang pangunahing hangad ng kanyang ama.”

Naniniwala din ako na mas mapaglilingkuran ang taumbayan at mas mabibigyan ng higit na karangalan ang alaala ni FPJ kung isasakatuparan ni Sen. Grace ang vision ng kanyang ama na tinawag niya noong ‘Bayan ang Bida,’” dagdag ng beteranong Senador.  

Ika-76 na kaarawan ni FPJ ngayong Huwebes, Agosto 20. 

Pinuna rin ni Sotto ang panliligaw ng LP kay Sen. Grace Poe at naalala ang paninira ng ilang kasapi ng LP noong 2004 na nagsilbi bilang ‘pinakamaiingay na kritiko’ ng yumaong aktor nang tumakbong pangulo laban kay Gloria Macapagal-Arroyo.

“Hinding-hindi po natin makakalimutan ang kanilang ginawa kay FPJ. Hindi rin dapat ito isawalang-bahala ni Senator Grace,” ayon kay Sotto.

“Sinabi nila na walang alam daw si FPJ, walang kapasidad mamuno, walang karanasan sa gobyerno. Ngayon gusto ng iba sa LP na sumakay sa magandang pangalan ni FPJ, parang may mali doon.”

Kabilang ang LP sa  Koalisyon ng Katapatan at Karanasan sa Kinabukasan o K4 na nagtulak sa kandidatura ni Arroyo bilang pangulo noong 2004 presidential elections. Pitong senador ang naipanalo ng K4 noon, kabilang si Roxas na siyang nanguna sa mga nanalong senador.

Lalong napatibay ang mga alegasyon ng pandaraya noon dahil sa paglutang ng “recording” ng pag-uusap sa pagitan ni Arroyo at ng noon ay  Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Virgilio Garcillano habang  pinag-uusapan kung papaano dadayain ang halalan.

Pinayuhan din si Poe ni Sen. Sotto na maghanap ng mga kaalyadong mapagkakatiwalaan sa gitna ng mga grupong nais samantalahin ang lumalago niyang popularidad ngayon.

Si Poe ngayon ang nangunguna sa lahat ng mga presidential survey at sinusundan nina President Jejomar Binay, Davao Mayor Rodrigo Duterte, at  Roxas.

“Sa dami ng nagtaksil kay FPJ, importante na pumili si Sen. Grace ng kasama na tapat sa kanya at sa ipinaglaban ni FPJ,” ayon kay Sotto.

Sa puntong ito, ayon kay Sotto, hindi nakapagtataka na si Sen. Francis Joseph “Chiz” Escudero ang napupusuan nila bilang katambal dahil siya ang nagsilbing tagapagsalita noon ni FPJ.

“Si Sen. Chiz, simula’t sapol, kasama na si FPJ. Hanggang sa huling sandali kasama rin niya si FPJ.

Noong dinadaya si FPJ, nandoon siya para ipaglaban si FPJ. Noong 2013, nandoon naman siya para magbigay ng suporta para kay Grace nang tumakbo para sa senado. Dito pa lang malinaw na kung sino ang dapat makatambal ni Sen. Grace kung siya ay tumakbo sa 2016, si Chiz.

Paninira kay Grace Poe itinanggi ng palasyo

WALANG kabuluhan ang bintang na ang Palasyo ang nasa likod nang paninira kay Sen. Grace Poe gayong iniimbita nga nila ang senadora na maging katambal ni administration presidential bet Mar Roxas sa 2016 polls.

Ito ang pahayag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda hinggil sa hinala ni Poe na ang ilang miyembro ng administration party ang may pakana ng mga pag-atake sa kanyang pagkatao.

“It makes no sense for us to invite her to be VP and at the same time attack her,” ayon kay Lacierda.

Binigyang-diin niya na mismong si Roxas ay naniniwala na isang Filipino citizen si Poe. “Mar Roxas already said he believes she is a Filipino,” aniya. Nauna nang kumalat ang text message na si LP political and electoral affairs chairman at Caloocan Rep. Edgar Erice ang nagbayad ng isang milyong piso kay Rizalito David para maghain ng disqualification case laban kay Poe sa Senate Electoral Tribunal (SET).

Itinanggi ni Erice ang alegasyon at ang nagpapakalat ng aniya’y maling impormasyon ay may layunin na tuluyan nang hindi magkasundo sina Roxas at Poe.

Rose Novenario

Payo ni Osmeña kay Mar: Kalimutan na si Grace (Makaraan mabasted)

PINAYUHAN ni Senador Sergio Osmeña III si DILG Secretary Mar Roxas na kalimutan na si Senadora Grace Poe bilang running mate.

Sa unsolicited advice ng mambabatas, bagama’t masakit ang mabasted ay kailangan nang mag-move on si Roxas.

Sinabi ni Osmeña, dapat nang makahalata si Roxas na ayaw sa kanya ni Poe billang running mate.

Para kay Osmeña, imbes na magpursige si Roxas kay Poe, dapat niyang ituon na lamang ang panliligaw kay Camarines Sur Rep. Leni Robredo.

Cynthia Martin

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *