Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ariel, walang social media account at ‘di pinanonood ang teleseryeng ginawa

081815 Ariel Rivera

00 fact sheet reggeePAGKATAPOS ng Bagito bilang tatay ni Nash Aguas ay balik-serye si Ariel Rivera sa Doble Kara bilang adoptive father naman ni Julia Montes.

Makakasama rin sina Mylene Dizon, Gloria Sevilla, Edgar Allan Guzman, Allen Dizon, John Lapus, at Carmina Villlaroel mula sa direksiyon nina Manny Palo at Jon Villarin mula sa Dreamscape Entertainment.

Sa ginanap Q and A presscon ay inamin ni Ariel na wala siyang social media accounts kaya hindi niya alam kung anong feedback sa mga teleseryeng nagawa na niya at hindi rin daw niya pinapanood ang serye niya.

“I don’t watch my teleserye, I don’t watch TV kasi,” saad ng aktor.

Maraming nagulat sa sinabing ito ni Ariel dahil siya lang daw ang naringgan ng ganito.

Kaya pagkatapos ng Q and A ay sinadya naming interbyuhin si Ariel ng mag-isa at tinanong namin kung bakit ganito ang attitude niya na walang pakialam.

“Hindi naman sa walang pakialam, alam ko na ‘yung ginawa ko, eh, bakit ko pa panonoorin? Alam ko na ‘yung istorya, bakit ko panonoorin?”  napangiting sagot sa amin ng aktor.

“I find kasi na if I watch myself, I become critical tapos masyado akong nagiging technical, hindi dapat technical ang actor, that’s my opinion, eh, masyadong technical na, magiging aral na ‘yung kilos, ayoko ng ganoon,” katwiran ulit ni Ariel.

Dagdag pa, ”at saka nakaka-asiwang panoorin ‘yung sarili ko.”

At inamin din ni Ariel na may mga naririnig din daw siyang feedback, ”’yung mga mababait, I guess, yeah.”

Inamin ng aktor na one at a time lang daw kung gumawa siya ng project, ”mahirap pagsabayin ang soap at concerts, may mga offer, pero hindi kaya kasi ito (‘Doble Kara’), we tape four times a week.”

At kapag walang soap drama o concert si Ariel ay abala naman daw siya sa construction business niya.

“I run a construction company and I’m busy with that, the Domino’z Pizza matagal ng wala ‘yun, ang leased niyon I think 10 years, after 10 years wala na, hindi na namin ini-renew,” kuwento ng aktor.

Nabanggit namin kay Ariel na noong kapanahunan niya ay naranasan din niyang magsara ang malls kapag may mall show siya at maging sa mga out of town show ay dinudumog talaga siya.

Kaya tinanong namin siya kung ano naman ang masasabi niya ngayon kina Daniel Padilla, Enrique Gil at iba pang young stars na nagsasara ang malls kapag may show din sila.

“Well, it’s good, kasi for some reasons, nasira tayo ng Internet ‘yung music natin so which is unfortunate.

“Buti na lang si Ogie Alcasid did a great job with OPM, pero ‘yun ang panahon natin ngayon, nasa digital na, so mabuti na rin na there’s people like Daniel Padilla na who are still reviving the peoples, ‘yung pulso ng tao sa masa, buti na rin may ganoon pa.” katwiran ng morenong aktor.

Hindi ba nasasabi ni Ariel sa sarili na, ‘I’ve been there’ sa kainitan ngayon nina Daniel at iba pa.

“Oh no, I’m proud that they’re doing that, sila ang nagpapabuhay sa industriya natin,” mabilis na sabi ni Ariel.

Ano naman ang komento ng Doble Kara actor sa komentong mas bumebenta ang album ng non-singers na nagli-lipsync pa kaysa legitimate singers.

“Hindi ko alam ‘yun, but in defense to them (non-singers), pati naman ‘yung mga big star sa US nagli-lip sync sila, plus one lip sync, marami silang ganoon,” sabi ng aktor.

Nagawa na bang mag lip sync ni Ariel sa entire singing career niya, ”never akong nag lip sync, sa TV lang, kasi minsan kailangan sa TV minsan, pero sa concert, for me ha, if you’re a concert artist, hindi ka dapat nagli-lip sync kasi you are there to sing live, eh. That’s my opinion, kanya-kanya lang.”

As of now ay wala pang ginagawang album si Ariel dahil busy nga siya at ang huling nagawa niya ay Once Againalbum mula sa BMG Records noong 2012 pa.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …