Monday , December 23 2024

Malinis na eleksiyon

EDITORIAL logoANG 2016 presidential elections ay inaasahan ng taumbayan na magiging malinis, tapat at  tahimik. Ang tagumpay ng pambansang halalan ay hindi lamang responsibilidad ng Commission on Elections (Comelec).

Mapagtatagumpayan ito nang lubusan kung mismong ang taumbayan ay makikialam.

Habang papalapit ang nakatakdang eleksiyon, ang pambatong kandidato sa pagkapangulo ng bawat partido politikal ay halos tukoy na, at sa mga susunod na araw, ang kani-kanilang running mate ay inaasahang papangalanan na rin.

Ang eleksiyon ay isang gawaing politikal, bahagi ng demokrasyang tinatamasa ng bawat Filipino. Karapatan ng bawat Filipino na makilahok at makapaghalal sa pamamagitan ng isang malinis at walang dayang halalan.

Sa pamamagitan ng isang may kredibilidad na eleksiyon, ihahalal ang kandidato na siyang mamumuno para sa layuning maging matagumpay ang ating gobyerno.

Maisasakatuparan ang ganitong mithiin kung magiging mulat at mapagbantay ang bayan sa darating na 2016 presidential elections.  Ang lahat ng election watchdog ay kailangan din magtulong-tulong para hindi na maulit ang mga pandarayang nangyari noong mga nakaraang halalan.

Ang ihahalal na bagong mamumuno ng bayan ay nakasalalay sa boto ng taumbayan. Magtulong-tulong tayo para sa isang malinis at may kredibilidad  na eleksiyon.

About jsy publishing

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *