Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

FOI ibinasura sa SONA ni PNoy – ALAM

EDITORIAL logoSINO ang makalilimot nang sabihin ni Pangulong Noynoy Aquino na ang Freedom of information (FOI) bill ay isa sa mga panukalang batas na kanyang prayoridad at titiyaking ipapasa sa ilalim ng  kanyang administrasyon.

Umasa ang Alab ng mga Mamamahayag (ALAM) sa pangakong ito ni PNoy.  Ang pag-asang ito ay nakabatay sa paniniwala na sa sandaling  maisabatas ang FOI, ang publiko lalo na ang mga mamamahayag o journalist ay magkakaroon ng access sa mga dokumento o impormasyon ng pamahalaan.

Naniniwala ang ALAM na sa sandaling maisabatas ang FOI, magkakaroon ng transparency at accountability ang lahat nang gastusin ng pamahalaan at ang usaping sa korupsiyon ay tiyak na masasawata o maiiwasan.

Pero sa halos limang taon panunungkulan ni PNoy, at sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA),  malinaw na tinalikuran niya ang kanyang pangakong ipasa ang FOI. 

Sa halip na sabihing ipapasa niya ang FOI bill sa nalalabing buwan ng kanyang panunungkulan, kinalimutan niya at binigo ang taumbayan.

Kinokondena ng ALAM ang pagiging manhid ni PNoy sa panawagan ng taumbayan na kagyat na ipasa ang FOI bill.  Ang hindi pagsasabatas ng FOI bill ay malinaw na pagbibigay ng proteksiyon sa mga naghaharing uri sa lipunan.  Tama nga sabihing wala talaga tayong maaasahan sa pangulong isang asendero.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About jsy publishing

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …